T2OU 26

41 4 0
                                    


Chapter 26


Miguel's PoV


Naiwan kami ni Gian dito sa site dahil umuwi na si Mori kasama si Dexy. Sumama siya dahil magcecelebrate daw silang tatlo at doon na daw siya matutulog sa kanila.

"Buti nagbago ang isip ni Mori." Sabi ni Gian saka uminom sa hawak niyang bote ng alak.

"Dahil sinabi kong mas mabuti kung makakapag-aral na din siya kasabay ng bestfriend niya. Besides, I don't need a secretary dahil madami naman akong kasama sa resort at nandoon din naman si Kris na pwede kong makasama habang wala siya."

Tumango si Gian at sumandal sa inuupuan niya. He smirk at me then lean forward while pointing his finger to the air. "Umamin ka nga Miguel," parang alam ko na ang sasabihin niya kaya inunahan ko na siya dahil alam kong doon din naman patungo iyon.

I sighed! "I admit it. I'm falling for her," panimula ko. "I knew it." Sabat naman niya at umiling sa akin.

"Kinain ko lahat ng sinabi ko. I care for her because I'm starting to like her and now I'm falling for her that's why I'm sending her away to finish her studies first. Ayaw kong maging sagabal sa kanya pagdating ng panahon saka ko na sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko sa tamang panahon."

Tumango naman siya at umiling na naman sabay tapik sa balikat ko. "You're one of a kind, dude. Pero hindi ka ba nababahala na baka pagtuntong palang niya ng college ay mas marami na siyang makikilala not only girls but also boys? The worst is panigurado akong maraming manliligaw sa kanya dahil sa ganda niya."

Oo nga. Tama si Gian. But I know Mori. She likes someone else at alam kong siya lang ang mamahalin nito dahil hirap ng magtiwala si Mori sa ibang lalaki.

"Hindi siya magpapaligaw doon."

"Bat' mo nasabi yan? Uy! Baka kayo na ha?"

"Hindi 'no." Mabilis na sagot ko. "I know hindi siya magpapaligaw dahil may gusto siyang tao ngayon. She likes him and he likes her also. Hindi na ako magtataka kung isang araw malaman ko nalang na sila."

Napakunot noo si Gian. Mukhang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Mukha ba kong manloloko at ganito ang reaksyon niya?

"E sino naman daw yun?"

Huminga ako ng malalim. "I bet, it's Michael." Nakayuko ako habang sinasabi ang pangalan ng Michael na yun. Ewan ko pero bigla nalang humagalpak ng tawa itong si Gian at humahawak pa sa tiyan niya.

"D-dude, you serious? Pffftt."

"Yes. Why?" Naguguluhang tanong ko. Mukha ba akong nagjojoke sa sinabi ko? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Mukhang tapos na siya sa pagtawa pero nagpipigil pa ito at humarap sa akin na seryoso.

"Don't take it seriously, Miguel,"

Napakunot noo ako sa sinabi niya. How can I don't take it seriously kung sinabi na mismo nilang dalawa na gusto nila ang isa't-isa? Hindi pa ba sapat yun para masabi kong wala na akong pag-asa kay Mori?

"Look, I know Michael since Elementary and I know who his like is. Sinabi ba niya kung sino ang gusto niya?" Tanong ni Gian.

"Oo. Si Mori. Tinawagan pa nga niya kasi may sasabihin daw siya e."

He sighed. "Ewan ko sa'yo dude. Hahayaan nalang kitang alamin ang totoo, 'di bale malaki ka na." Wala ng nagsalita saamin.

Hindi ako pwedeng magkamali. It's Mori. Si Mori ang gusto ni Michael at baka ngayon ay nagkaaminan na sila or mali kaya ako? Baka naman iba pala ang sinasabi nilang dalawa tapos ako lang tong pinagcoconnect sila?
Aish! Naguguluhan na ko. Sa tanda kong 'to ngayon pa ko naguluhan sa mga bagay  bagay. Kasalanan lahat to ni Mori e. Kung hindi niya ginulo ang isip at puso ko, hindi sana ako magkakaganito.

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon