T2OU 69

35 2 0
                                    


Apple's PoV
     
   
Pumunta ako ng hospital at nadatnan ko sina Mori at Tito Enrico na nasa waiting area sa labas ng operating room. Mabilis kong nilapitan si Mori at niyakap ito.

"Apple, si Migs!" Iyak nito at hindi ko na din napigilang umiyak.

Mahigit limang oras ng nasa operating room si kuya Migs at inooperahan pa rin ng mga doktor. Aside sa pagkakaaksidente ni kuya Migs ay may brain tumor daw ito at matagal na nitong alam kaya lang ayaw niyang magpaopera sabi ng doktor niya.

"I told him that he needs an operation but he keeps on refusing..."  The doctor said. Baka ito ang sinasabing dahilan ni kuya Migs kung bakit hindi niya mabalik balikan si Mori. Kung pwede ko lang balikan ang pag-uusap namin ni kuya Migs ay sana pinilit ko siyang sabihin ang dahilan niya pero sadyang tikom ang bibig niya.

Pinagdadasal ko na sana maging okay na ang lahat, na matapos na ang operasyon niya.

Isa-isa kong tinignan ang mga taong naghihintay sa paglabas ng doktor at alam kong lahat kami rito ay pinagdadasal si kuya Migs. Halos lahat ay nandito maliban kina ate Dexy at Tristan na nasa bahay nila. Bawal kasing ma-stress si ate Dexy dahil sa dinadala niya kaya hindi na pinasama dito. Hinaplos ko ang likod ni Mori nang marinig kong humihikbi na naman ito.

"Magiging okay din siya, Mori." Pagpapakalma ko sa kanya.

"All this time mag-isa niyang hinaharap ang sakit niya, Apple. I didn't know that he's been sick. Kung alam ko lang... kung alam ko lang sana..."

"Ssshh. May dahilan si kuya Migs kaya nilihim niya 'to. We'll pray for him. Okay?"

After ng pag-uusap namin ay biglang lumabas ang doctor kaya napatayo kaming lahat at hinihintay ang sasabihin nito.

"How's my son, doc?" Tito Enrico approach him.

"Hm. The operation was successful..." hearing that makes our heart happy. "...but he's in a coma right now. We'll make sure to monitor his vitals every now and then." But that happiness changed into sadness.

Napayakap sa akin ng wala sa oras si Mori at humagulgol ito. Lumapit ang doktor kay Tito Enrico at tinap ang balikat nito. "We did our best and hopefully he will wake up in two days..." tumango si tito at umalis na ang doktor.

Inasikaso ni Tito Enrico kung saang kwarto dadalhin si kuya Migs habang kami naman ni Mori ay umuwi muna para kumuha ng gamit at damit. She volunteed to stay with kuya Migs at mabilis namang umuo si Tito Enrico dito. Pabor din naman siya dahil nag-usap-usap na sila na siya na muna ang magbabantay sa resort habang rotation naman sa pagbabantay ang mga kapatid ni ate Dexy kasama ni Mori sa hospital.

"Anak, ano ng balita kay Miguel?" Tanong sa akin ni Mommy Victoria. Tinignan ko muna si Mori at busy itong may kausap sa phone. Huminga ako ng malalim.

"Successful naman po ang operasyon niya kaya lang po wala pa pong malay si kuya Migs, Mommy Victoria. In 2 days daw po hopefully gigising na si kuya."

Napatakip siya sa bibig niya at kitang kita ang pagkashock niya sa ibinalita ko. Nilapitan niya si Mori at walang anu-ano'y niyakap niya ito at halata kay Mori ang pagpipigil ng iyak.

Lahat kami ay alam na alam kung gaano kamahal ni Mori si kuya Migs pati nga si tito Enrico ay alam ito. Sino ba naman ang makakapagtatago ng lihim kapag si Daddy Erick na ang nagsabi. Dinaig pa nga niya or should I say 'nila' ni tito Enrico ang mga babae sa tsismisan.

"Alis na po kami, Mom. Kayo na po muna ang bahala kay Miracle."

"Mag-iingat kayo. Call me when you need anything, okay?"

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon