Chapter 13
Miguel's PoV"Boss tara na po?" Katok ni Mori sa may pinto ng kwarto ko. Inayos ko ang buhok ko saka lumabas.
Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin si Mori na nakawhite V-neck loose shirt, ripped jeans at ang converse niyang sapatos, at dala din niya ang body bag niya. Parang nong first day lang niya sa trabaho, ganyan din ang suot niya. Napailing ako sa kanya saka sinara ang pinto.
"Let's go." Yaya ko sa kanya at paalis na sana ako ng pigilan niya ako. "Wait Boss." Aniya kaya napahinto ako.
Nilapitan niya ako bigla kaya hindi ako nakaimik. "Ano ba naman yan Boss..." Panimula nito at hinawakan ang kwelyo ng damit ko. "Nagsalamin ka ba? Tanda tanda na hindi pa rin marunong mag-ayos ng kwelyo ng damit oh. At parehas pa pala tayong nakaputi ha. Baka sabihin nila couple tayo Boss. Hahaha."
"T-Thanks." Yun lang nasabi ko at nauna ng maglagad habang sinusundan niya ako. "Boss, wait. Excited lang?" Habol nito sa akin.
Sinuot ko agad ang shades ko pagkalabas na pagkalabas ng resort, "Mori bilis..." Tawag ko sa kanya at napangisi ako ng makita siya. 'Iba talaga 'tong babaeng to!' Nasabi ko nalang sa isip ko.
"Bagay ko ba Boss?" Tanong nito at nagpose pa sa gitna ng init ng araw.
"Pfftt. A little?"
"A little ka diyan. Bagay ko noh."
Nagkibit balikat ako sa kanya. "Ok? Sabi mo e. Tara na baka naiinip na sila Mr. and Mrs. Mendoza doon."
Paalis na kami ng masalubong namin sina chef at iba pang employee dito. Mukhang nagulat pa sila sa amin ni Mori at talagang huminto sila sa harap namin at nag-usap-usap.
"Wow naman. May mga puting kalapati na pala dito." Chef Nikki.
"Oo nga at ang mga kalapating yon ay mga nakashades pa. Totyal!" Kris.
"At heto pa ha. Hindi naman sila mag-ON pero nakapangcouple attire." Tisoy, yung pool attendant.
"Oo nga no! Baka naman may hindi tayo nalalaman sa mga 'to ayaw lang ipagsabi. Naku, hindi na ko magtataka kung biglang magsidagsaan ang mga langgam mamaya dito sa resort. Naku naku! Magiging viral 'to." Chef.
"Tama ka diyan Chef. At heto pa kung may SerTen sa Dolce Amore, aba may MiMi rin tayo dito sa resort. Ang saya naman! " Kris.
"Huh? Sino?" Sabay sabay na tanong nila kay Kris.
Kami ni Mori ay hindi umiimik dahil hindi naman namin alam kung sino ba pinag-uusapan ng mga 'to----well, kami nga pala ang pinaparinggan ng mga to. Kesyo may kalapati na raw dito sa resort kahit wala naman at ano daw, Mimi? Sino yun? May employee na ba kaming bago na hindi ko alam? Hahaha.
Ngumuso si Kris sa amin at bigla namang nagsalita itong katabi kong si Mikomori.
"U-Uy Mam Kris! Tigil tigilan mo kami ha. Kung anu-ano pinagsasabi niyo. Alam niyo naman siguro yung co-incidence di ba? Yun, co-incidence lang tong suot namin, di naman namin alam na magkakapareha kami ng kulay na isusuot ngayon. Ang iisyu niyo."
Sumimangot si Mori at sila Kris naman ay nagpipigil ng tawa saka nilapitan si Mori at tinapik sa balikat at may binulong.
"Bagay kayo met ni Sir. Armemon."
Napakunot noo ako sa binulong ni Kris. Hindi ko kasi maintindihan yung 'Aremen?' Ano daw?"Aarrrggg!!!!" Sabi ni Mori at hinila na ako palayo sa kanila. "Inta man laengen! Makapaasar dagitoy nga timmao. Puro da allas." / "Tara na nga lang. Nakakaasar yang mga taong yan. Puro sila baliw." Bulalas nito.
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...