Mori's PoV"Tito seryoso po ba yan?" Hinihintay ko ang sagot niya kay Apple kasi maski ako ay nagugulat sa mga nangyayari. Nakakabigla lang kasi.
Nagkibit balikat si Tito at umiling sa amin. "Do I look like I'm not serious?" Ngumiwi ako at napakamot sa kung saang parte ng katawan ko saka siya sinagot. "Hindi naman po Tito, medyo nakakabigla lang po at nakapagtataka kung bakit kami ang napili niyo, e hindi pa nga po nila kami nakikilala."
Tumawa siya sa sinabi ko. "They've seen you already," Natameme kami sa sinabi ni Tito.
"Kelan po??" Hindi na ako magtatakha sa reaction ni Apple, ganyan naman talaga yan parang naninigaw ng kausap.
"Noong nagmeeting kami sa pinagtatrabahuhan niyo. That's why I am talking to you about it because they suggested that the two of you have the qualities we're looking for. You're slim, have the face to show off, tall and sexy. Pfftt."
"Tito talaga..." sabay pa kaming napasalita ni Apple sa sinabi ni Tito Enrico sabay tawa kasi niya kaya parang nakakaloko tuloy ang sinasabi niya.
"Uy baka iniisip niyo ako ang nagsabi sa kanila ha."
"Hindi nga po ba?" pabirong tanong ko. Makikita sa kanya ang pag-iisip kaya parang may ideya na ako na siya ang nagsabi sa kanila.
"Konti lang."
"Tamo 'to si Tito Enrico. Sabi ko na nga ba at ikaw lang din ang nagsabi sa kanila," natawa kami sa sinabi ni Apple. Medyo kabiruan na din kasi namin si Tito Enrico kaya ganyan nalang niya kausapin at syempre medyo nahihiya ako dahil na rin yung tungkol sa amin ni Boss. "Ineexpose mo naman ang nililihim naming kagandahan Tito, eh."
"Oh, ayaw niyo ba iyon para rumami ang manliligaw niyo?"
"Tito..." angal namin at tinawanan na namin kaming dalawa ni Apple.
"I'm just kidding. Baka mamaya pagalitan pa ako ni Miguel at nong si Michael kapag nalaman nilang maraming gustong manligaw sa inyo."
"Ligaw lang naman Tito basta sa kanila pa rin kami." sagot ko sa kanya at ayun nagtawanan na naman kami. Makalipas ang ilang oras na pag-uusap ay pumayag kami ni Apple sa alok niya. Side line na din ito sa amin at pandagdag sa baon at padala kay Nanay. Next week ay imemeet namin ang mga kashare niya sa business niya at para na rin sa contract signing namin ni Apple.
Ipinahatid kami ni Tito sa apartment namin at naabutan namin si Michael na nasa labas ng bahay at nakasandal sa kotse niya.
"Mike..." Napailing ako sa ginawa ni Apple. Excited yakapin yang boypren niyang feeling gwapo.
"Bat hindi kita matawagan??"
Parang nangangamoy away ah. Tahimik akong pumasok sa loob ng bahay at dumeretso sa kwarto ko. Inilabas ko ang phone ko at nadisappoint ako kasi wala man lang text or missed call si Boss kaya naisip kong magsounds nalang para mahibang ako. Nagpalit na rin ako ng damit at humiga sa kama. Saglit akong nagfacebook at nag-offline na din ako dahil inaantok ako.
*******
Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong mabigat na nakapatong sa bewang ko, nang hawakan ko ito ay nagulat ako ng makitang si Boss ang nakayakap sa akin at mahimbing na natutulog. Tinignan ko din ang orasan at alas diyes na pala ng gabi. Unti-unti kong tinanggal ang kamay niya at marahan akong bumangon pero mabilis niya akong hinila pabalik at niyakap muli saka niya isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. Titili sana ako dahil nararamdaman ko ang hininga niya kaso parang may kakaiba kaya hinawakan ko ang pisngi niya at kinapa ang noo niya. Mainit siya.
"Stay here, please." bulong nito. Kinumutan ko siya at hinaplos ang ulo niya para makatulog muli. Wawa naman Boss Love ko, nilalagnat siya. Hinalikan ko nga ang noo niya baka sakaling gumaling siya.
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...