T2OU 35

39 5 0
                                    




Mori's PoV

Mabilis akong pumasok ng kwarto ni Apple at isinara ang pinto. Tinakpan ko ang bibig ko at naghihihiyaw sa sobrang nerbyos. Kahit walang boses na lumalabas ay feeling ko namamaos na ako. Sh*t! Ano ba tong pinaggagagawa ko? Ugh! Napapawalling tuloy ako dito.

Umayos na ako ng tayo saka marahan na humiga sa kama ni Apple. "Ugh!" aniya kaya hindi na ako kumibo. Makatulog pa kaya ako nito dahil sa kalokohang ginawa ko?

****

Alas singko na at saglit palang akong nakakatulog. Ang likot kasi ni Apple matulog kaya hindi ako nakatulog ng maayos. Pinilit kong pumikit ulit baka sakaling dalawin ako ng antok. Ilang segundo palang ay naramdaman kong bumangon si Apple kaya naman napamulat ako at pagmulat ko ay mukha niya agad ang nasilayan ko.

"Hanung ginagawa mo dito??" taas kilay na tanong nito. Muli akong pumukit at niyakap ang unan saka siya sinagot. "Nakikitulog lang, nasa kabila kasi si Boss."

"Ano??" Napatakip ako ng tenga ko sa sigaw niya. Kala mo naman kung bingi ang kausap. Tss. "Wala bang bahay yan at dito nakikitulog sa atin? Anong oras na ba kayo natapos sa pagmomovie marathon niyo at dito na natulog yan? Baka mamaya malaman ni Ate Dexy yan ha." Tignan mo na. Ang aga aga nanenermon na naman.

Bumangon na ako't umupo saka siya tinignan. "Ee. Hayaan mo na! Late na kasi kaming natapos sa panonood kaya dito ko na pinatulog. Baka kasi mapaano kapag nagmaneho siya ng dis oras ng gabi."

"Ayan... Ayan..." turo nito sa akin saka nilagay ang isang kamay sa bewang nito. "Nood pa more! Hindi ba kayo nagsasawang ulit ulitin yang mga yan?"

"Hindi." maikling sagot ko. Nagmakeface lang ito sa akin at saka lumabas ng kwarto para makaligo na.

Humiga nalang ulit ako saka pinilit ang sarili ko na matulog. Pero... ugh!!!

Apple's PoV

"Oh ayan, edi umamin ka rin!!" panenermon ko sa bestfriend kong tinamaan na. Napatikom ito ng bibig niya sa sinabi ko. "Sabi na sa'yo, eh. Hindi mo maiiwasang ma-inlove diyan kay Kuya Miguel. Sa tinagal-tagal kong inantay yang sagot mo, edi kusa ka ring umamin."

Niyakap niya ang unan ko saka tumalikod sa akin. Sinabi niya sa akin na naiinlove na daw siya kay kuya Miguel kaya heto at kunwaring sinesermonan ko siya pero sa totoo lang ay kinikilig ako para sa kanilang dalawa. Hahaha. Kahit anong gawin ni Mori ay hindi naman talaga maiiwasan ang 'LOVE' kaya ayan, na-fall din siya. Huwag niyang isipin ang age gap nila dahil sa LOVE wala namang pinipiling age ito.

"Kyaaahh!" Bigla akong tumili na siyang ikinagulat ni Mori. Ngumiti ako sa bestfriend ko. "I'm so happy for you my dearest bestfriend... Basta kung saan ka masaya, lagi kitang susuportahan. Alam mo namang love na love kita!" Ngumiti din siya sa akin at niyakap ako. "Thank you Apple! 'wag kang mag-alala, susuportahan din kita sa inyong dalawa ni Michael. Alam ko namang may gusto ka pa sa kanya, kung natatakot ka man na baka hindi na siya bumalik, take a risk nalang. Fight for your love!"

Ayun! Ibinabalik niya sa akin ang usapan! Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tumango ako. "Sabi ko nga sayo hindi maiiwasan ang 'LOVE' na yan. Thankful ako kasi bumalik si Michael sa buhay ko at napadali ang pagmomove on ko sa tomboy na 'yun. Actually, may aaminin din ako sa'yo."

Umupo ng maayos si Mori at naghihintay sa sasabihin ko. Ayokong maglihim sa kanya kaya aamin na ako.

"Kami na ni Michael!"

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon