T2OU 45

22 2 1
                                    

   
Mori's PoV

"Be my wife."

Hindi ito tanong kundi parang sinasabi niyang maging asawa niya ako agad agad. Ang dali lang sabihin para sa kanya ang ganito palibhasa tumatanda na at hinahabol na ng katapusan niya sa kalendaryo.

Sinampal ko nga. Pabigla bigla kasi ng sinasabi, eh.

"What the??" reaction ni Boss.

"Uy Mori..." Nagulat sina Apple at hinawakan ako pati si Michael ay nakihawak sa kamay ko.

"Ano bang ginagawa mo?!" tanong nila.

"Ginigising ko lang baka kasi inaantok pa or may sakit pa or baka nagdidileryo na siya, kung anu-ano kasi sinasabi, eh."

"Ano ba sinabi mo kuya Boss?"

"I want her to be my wife..." sagot naman ng mokong. Napabitaw sa akin si Apple at napatakip ng bibig niya. Bakas sa mukha niya ang tuwa at pagkakilig.

"Oh my God!!!"

"Is that a proposal?"

"Magsitigil nga kayong dalawa. Kasasagot ko palang sa kanya, 'be my wife.' agad." Nagwalk out ako at iniwan silang tatlo sa sala.

Nakakaasar si Boss! Nakalimutan ko tuloy yung gagawin ko. Kung anu-ano kasi sinasabi, binibigla ako, ayan tuloy nasampal ko pa. Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa kong pagsampal sa kanya.

Hindi ako nakatiis at binaba ko sila. Napakunot noo ako at hinanap si Boss ng paningin ko pero wala siya. Nakita ako nila Apple at nagsalita ito.

"Nasa labas siya. Habulin mo na baka makaalis na yun. Hiniram niya kotse ni Mike..." napapailing na sabi ni Apple at nagmadali akong lumabas. Nakasakay na si Boss at mukhang papaalis na kaya tinakbo ko siya at kinatok ang bintana ng kotse.

Mabilis akong sumakay at niyakap siya. "Sorry, Love." bulalas ko saka kumalas at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Nabigla lang kasi ako tsaka kaya ko lang naman nagawa yun kasi akala ko nagdedeliryo ka kaya ginigising lang kita tsaka nagbibiro ka lang naman di ba?" 

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. "What if hindi ako nagbibiro?" Napasimangot ako at hinila ang kamay ko sa kanya at hindi ako umimik. Hinawakan ulit niya ang kamay ko. "I'm just joking. Don't be serious about it."

Sumimangot ulit ako sa kanya. "Paanong magiging joke yun kung yang mukha mo ang seryoso?" This time ngimiti siya at tinawanan ako kaya tinitigan ko siya.

Ang genuine ng ngiti niya kaya pati ako ay napangiti din at natawa nalang sa aming dalawa. Sumandal ako sa passenger's seat at napatulala nalang sa harap namin habang nakangiti.

"Do you love me?"

Nilingon ko ang lalaking nasa driver's seat at seryosong sinagot ang tanong niya.

"Ofcourse. I love you and I'll always love you."

Hinalikan niya ang noo ko. Pagkabalik namin sa loob ay parehas na kaming nakangiti at napapailing nalang si Apple sa amin.

"Ano, tara na bang simbahan?" Tanong nito habang sinisimot ang 1 liter of ice cream. Binatukan ko nga pero yung hindi naman malakas.

"That was a joke." Sagot ni Boss at nakiupo sa sofa.

"Wag na pala kayong magluto ng tanghalian, nagpadeliver na kami." Mabilis na ngumiti si Apple sa sinabi ni Boss, basta pagkain automatic yang si Apple, eh.

Katakaw na babae.

Kinagabihan ay dito ulit natulog si Boss Love at medyo namimihasa na po siya. Tumawag na rin si Tristan kanina dahil namimiss na daw niya ang Daddy kaso ayan nagpanggap pa na may sakit kahit na magaling na siya. Syempre magaling yata ang nurse niya.

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon