T2OU 46

25 3 0
                                    




Mori's PoV


Maaga kaming nagising ni Apple para makapaghanda sa pupuntahan naming event ngayon. Inilabas niya ang mansanas at gumawa ng tea. Medyo kailangan maging strict sa mga kinakain namin para sa modeling namin. Alam niyo naman, para sexy kami. Hahaha

"Bes tara na." pagyaya ko sa kanya ng matapos na kaming kumain. Binitbit ko na lahat ng kailangan, SLR, pamalit na damit, infused water, bag and make-up. "Anong sabi ni Mike?" tanong ko kay Apple ng makasakay kami ng taxi papunta ng hotel. Doon kasi yung venue. Sa hotel ng kaibigan ni Tito Enrico.

"Hindi sumasagot eh. Baka tulog pa yon. Kawawa naman, puyat na naman siya sa trabaho niya."

Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya. Kawawa naman siya, ganyan din minsan si Boss Love. Puyat na puyat palagi dahil sa trabaho.

Mabilis kaming nakadating ng hotel dahil hindi naman gaanong traffic at linggo ngayon.

"Goodmorning Miss Moira." bati namin kay Miss Moira. Grabe ang aga niyang dumating. Early bird nga siya.

"Goodmorning din girls." Bati niya sabay halik sa pisngi namin ni Apple. "Nakatulog ba kayo ng maayos?"

Ngumiti ako sa kanya. "Medyo po."

"Kinakabahan ka?" tanong ni Apple at mukhang narinig ni Miss Moira kaya sumingit siya sa usapan namin.

"Ganyan din ako nong first time kong humandle ng event. Kabado syempre and may mga konteng palpak but at the end of the day worth it naman because marami akong natutunan." sabi nito na nagpagaan ng loob ko. Tinap niya ang balikat ko at ngumiti. "Don't worry I'll guide you and my team will help you and if you need anything don't hesitate to ask them, okay?"

"Thank you Miss Moira." sabay naming sabi ni Apple.

Umalis na din si Miss Moira pagkahatid niya sa amin sa holding room. May ibang event din kasi siyang pupuntahan ngayon kaya umalis din siya. Tinignan lang niya kung may mga kailangan pa daw kami at kung okay lang ba kami.

Chineck namin lahat ng lightning, yung set-up ng ballroom para sa dinner at yung kabilang ballroom para sa photo exhibit namin. Medyo maraming invited dahil yun ang sabi ni Tito Enrico, invited din kasi ung ibang business partners nila. Gusto ko sana kami kami lang kaso si Tito gusto niyang isabay nalang daw para isang gastos lang, well, okay lang naman dahil 75 % ng event na ito ay galing kay Tito Enrico. Gusto nga niya siya lang magbabayad sa event na 'to pero syempre sabi ko hindi pwede kaya sabi niya akong bahala sa photo exhibit at siya na sa pakain kaya ayon, ang dami niyang ininvite.

"Tita Mori..." Napalingon ako sa tumawag at ngumiti ako sa nakita ko. Nandito na ang paborito kong bata sa balat ng lupa.

"Tristannnn!" Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya. Waah. Namiss ko itong batang 'to.

"Hi Tita Apple!" bati nito kay Apple at hinalikan niya ito sa pisngi. Ang ate mo tuwang tuwa.

"Kumusta naman ang batang makulit?" pinisil ni Apple ang pisngi ni Tristan kaya sumimangot ito at binawian si Apple. "Super excited na po." sagot nito.

"Tara?" Tanong ko kay Tristan. Tumango ito at hinawakan ang kamay ko. Sinenyasan ko si Manang na isasama ko si Tristan at sinenyasan niya rin ako na 'go' lang at nagpaiwan na siya kasama si Apple.

"Wow! Tita Mori ang ganda..." komento niya sa mga litratong ipinakita ko sa kanya. Nilibot namin ang buong ballroom para makita niya lahat ng mga litratong kinuhanan ko. "I want to be like you, Tita."

Lumuhod ako para lumevel sa kanya at ngumiti. "You need to be like you and not me, not anyone else. Just be yourself and do whatever you want to do, Tristan. We're here to support you."

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon