T2OU 11

65 3 0
                                    


Chapter 11

Miguel's PoV

I was in the veranda when Dexy called me to open the gate for her. Sinuot ko ang black sando ko bago buksan ang gate at bumungad sa akin ang isang plastic ng in can na beer at sa likod nito ay ang nakangiting mukha ni Dexy.

Ngumiti din ako. "Oh come on Dexy Girl." Hila ko sa kanya saka siya inakbayan. "How's the resort here?" Tanong ko sa kanya. She's my secretary here, the one that I am talking about. Secretary / VP. So ibig sabihin wala kaming inaasahan na iba kundi kami kami na lang.

"Ayun, playground na."

"Silly..." Sagot ko saka ginulo ang buhok niya habang siya ay tumatawa lang at pinipigilan ang kamay ko.

"Hahaha. Tama na kasi Migs." Pagmamakaawa nito pero tawa pa rin ng tawa. Tinigilan ko na siya at kinuha sa kanya ang plastik. Inayos niya ang buhok niya habang naglalakad kami papasok ng bahay.

"Laki ng braso!" Hawak nito sa braso ko, nanananching na naman... "Pero mas malaki yung sa boyfriend ko. Ahahaha!"

"Alin ang malaki sa kanya?" Tanong ko.

She smirked at me. "Yung kanya syempre! Ang lusog kaya nong kanya, sarap himasin."

"Pffftt. Really? Couz?"

"Eehh~ Migs naman e..." Padyak niya. "Iba yata iniisip mo eh. Bastos mo talaga!" Dagdag pa nito kaya humagalpak ako ng tawa.

"I didn't say anything." Depensa ko habang tumatawa.

Ganyan ganyan lang yan pero mas marami pang alam yan sa akin. She must look like an angel but she has experienced ALL, as in LAHAT except for being a carpenter or what so ever. Basta kung anu yung nasa isip niyo, yun na yon.

Kaya nga nong minsan nahuli ko yan kasama ang boyfriend niya na may ginagawang kung anu, hindi na ko nagulat e. Ang kinaaasaran ko lang ay sa condo ko pa mismo nila ginawa. Tsk tsk.

"Hindi na nga pala ako sasabay sa'yo kasi you know baka makaistorbo ako sa bonding niyo ni Mikomori."

She also has this attitude na kapag sinungitan mo siya, babawi at babawi siya sa'yo not now but soon. Kaya nga mabait sa kanya ang lahat e.

"I didn't saw her yet pero base sa kwento kwento nila Kuya Jacob at Hilena mukhang mabait naman so hindi ko na siya kailangang pahirapan pa, kung pwede na siya sa'yo, pwede na rin sa akin."

"What the?? Akala ko ba kakampi kita? Then what are you talking about?"

"I'm talking about Mikomori Lopez Martinez."

"How many times do I need to tell all of you that she's only my secretary?!"

"How many times do I need to tell all of you that she's only my secretary?!" Panggagaya ni Dexy sa akin saka ako inirapan. "Oh siya, sige na sige na. Alam ko namang di ka pa nakamove on sa witch mong EX e. Palibhasa ginayuma ka non kaya hanggang ngayon umaasa ka pa na babalik siya. Kelan mo ba balak magmove on ha Miguel? Look at yourself, all I can see is the worst Miguel Suarez. Gwapo nga pero mahaba naman ang buhok, ano ka, feeling mo ikaw si Kenji na hindi makamove on kay Athena ng 'She's dating the gangster'? Miguel, all we want for you is to forget about that Jenny. Hindi na siya babalik, ok? So, just let me know if you're decided to move forward in your life para naman magawa ko na yung matagal ko ng binabalak sa'yo. Ok?"

Nagkabit balikat ako saka nilagok ang beer. "I'm on the processing of moving on. Happy?" Sagot ko at nanlaki ang mga mata niya saka tumawa.

"Oh my ghad!! Is that true?! Kyaaahh! Finally... Hahahaha."

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon