T2OU 19

56 4 0
                                    

   
Chapter 19
    
    
Miguel's PoV
     
   
I smiled and crossed my arms.  "Hawak mo pa rin yan?"

Ngumiti rin siya. "Syempre naman. Kailangan bawat araw may maidodocument ako malay mo magamit ko sa future, di ba?"

She's right. Baka nga magamit niya, since ilang buwan nalang ay sasama na sila sa akin sa manila ng Nanay niya.  You know Dexy, mapilit e.

"Ano na ba mga nakuhanan mo, patingin nga?" Titignan  ko na sana ng bigla niyang ilayo ang camera saka tumawa.  "Secret! Hahaha."

Nagtaas nalang ako ng kamay ko sa ere.  "Ok. I give up!"  I surrender and looked at my wrist watch.  "Teka, gabi na ah. Ano pang ginagawa mo dito?"

"Hinihintay ko si Nikki, may kukunin ako sa kanya e."

"Sa loob na natin siya hintayin."

Pumasok kami sa may lobby at dito umupo. Alas otso na ng gabi pero nandito pa rin siya sa labas, medyo malayo pa naman yung bahay nila.

"Migs, kailan ulit sila babalik?" Tanong ni Mori. She's talking about Dad and Tristan. This time is my chance to talk about their secret.

Tinitigan ko siya with suspicious look. Ano kayang sekreto nila ni Tristan??

"U-uy! Anong titig yan ha?" I smirked nang takpan niya ang hinaharap niya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Anong sekreto niyo ng anak ko ha?"

"H-huh??"

"Anong sekreto niyo ni Tristan?" Pag-uulit ko ng tanong at mukhang don lang nagsynched-in sa utak niya yung tanong ko.  Tumawa siya ng malutong sabay hampas sa braso ko. Napaatras ako at napabalik sa kinauupuan ko.

"Bwahahaha!" Tawa niya. She must be crazy! Nang makita niya akong nagseryoso ay tumigil siya sa pagtawa. "Ok. Ok. Pfft. Grabe ka Migs, tsismoso ka talaga 'no? Hahaha. Sa amin nalang ni Tristan yun, wag ka na."

"Mori..."

"Hindi nga pwede! Malalaman mo din yun wag kang atat. Excited ka e!"

Napabuntong hininga ako sa katigasan ni Mori.  "I'm not excited. Ayaw ko lang na nagsesekreto si Tristan sa akin."

Tinabihan niya ako saka inakbayan.  "H'wag kang mag-alala Migs, hindi naman ikapapahamak ni Tristan yun. Ako'ng bahala! Ok?" Napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya. Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

Baba niya, Labi, ilong, pisngi at mata, napakaganda. Hinawakan ko ang pisngi niya, lalayo sana siya ng pigilan ko at mas nilapit ko siya sa akin.

"M-Mi-Migs!" 

"Wait. 'Wag kang malikot." Bulong ko sa kanya. "Pikit ka." Dagdag ko pero nagpumiglas siya.

"U-Uy!!"

"Wag kang malikot, Mikomori!"

"Ano bang gagawin mo?!"

"Pumikit ka nalang. Bilis!" Wala na siyang nagawa kundi ang pumikit. "Wag kang malikot ha."  Tumango siya bilang sagot.

Unti-unti kong kinuha ang isang pilik mata niya na nasa may ibabang mata niya, nahirapan pa akong kunin dahil sa liit nito pero nong makatatlo akong subok ay nakuha ko din sa wakas.

Binitawan ko siya at pinagtuunan ng pansin ang nakaipit na maliit na buhok sa dalawang daliri ko. Kung hindi ko 'to natanggal baka mamaya ikapuwing pa niya edi mas masakit yun hindi ba?

"Have a wish?" Harap ko kay Mori pero bigla nalang itong tumayo at umalis. Sakto namang kalalabas lang din ni chef Nikki kaya hinila na niya ito.

"Problema 'non?"  Tanong ko sa sarili ko saka nagkibit balikat.

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon