Chapter 25
Miguel's PoV
Umahon na kami at umupo ulit sa buhanginan. May hinagis si Mori sa akin at don ko lang napansin na tuwalya pala ito.
"Gamitin mo na yan, kalalaba ko lang niyan kahapon. Dinowny ko pa yan ha."
"Seriously?"
"Seriously?" Ginaya niya ako at kinunutan ng noo habang nagpipigil ng tawa. "H'wag ka ng mag-inarte yan ang nabunot ko sa baol kanina e."
"Pfftt. You want me to use this?" Binuklat ko sa harap niya ang tuwalyang nabunot niya daw sa baol.
Ngumiti siya. "Oh, ano namang masama kung gamitin mo yang favorite towel ko na si Hello Kitty? Hindi ka naman magmumukhang bakla diyan atsaka dadalawa lang tayo dito. Hellow!"
Napailing ako. All my life I hated pink stuffs. Hindi sa ayaw ko si Hello Kitty nagkataon lang talaga na may pagkapink siya.
Ipinunas ko nalang sa ulo ko ito at sa katawan ko. Sinuot ko ulit ang sando ko at ipinatong ang tuwalya sa may maliit na puno na nasa bandang likod namin.
"Matagal pa yata si Ninong. Kain na muna tayo."
Ngayon naman ay may inilabas si Mori na tupperware sa may bag niya at binuksan ito. I smile again to myself. She's a girlscout.
"Talagang nagbaon ka pa niyan ah." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Syempre naman. Girlscout yata 'to." Sagot niya. Inabot niya sa akin ang sandwich.
Habang kumakain kami ay may napansin ako. Kinuha ko nalang yung tuwalya at ipinantakip ito sa kanya.
Mukha namang nagulat siya sa ginawa ko. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at tinitigan sa mga mata. "Alam ko sexy ka pero parang awa mo na wag kang magsusuot ng ganito kapag may ibang lalaki kang kasama ha." Bulong ko sa kanya.
Yumuko siya. "O-oo." Sagot nito. Ipinagpatuloy namin ang kumain at halos walang nagsasalita. Dapat 'di ko nalang sinabi yun. Feeling ko tuloy napahiya ko siya. Sexy siya kung sexy, kahit na 'yung bandang itaas niya ang exposed, hindi pa rin niya pwedeng hindi takpan ito dahil tulad nang sabi ko, lalaki pa rin ako at natetempt din minsan.
"Mori." / "Migs."
"Ikaw muna." Nagkasabay na naman kaming magsalita. Tumahimik nalang ako at sinenyasang mauna na siya.
"Nakamove on ka na ba sa kanya?" Natigilan ako sa tanong niya.
"Hindi mo naman kailangang sagutin kung ayaw mo. Tinatanong ko lang naman e."
"Sa tingin ko, nakamoved on na ko." Nakangiting sagot ko sa kanya at dinadama ko ang sinabi ko.
Simula nong sinabi ko yun kay Dexy na 'Im on the process of moving on ay tuluyan ko ng tinanggal sa puso ko si Jenny. Hindi katulad ng dati na palagi ko siyang iniisip, ngayon ay iba na. Parang wala nalang siya sa akin, ni hindi na rin ako apektado kapag naririnig ko ang pangalan niya tuwing babanggitin siya ni Gian. Masarap sa pakiramdam na hindi ko na nararamdaman 'yung sakit.
"E ikaw, move on na ba?" Balik na tanong ko kay Mori. Nakita ko ang kalahating ngiti sa labi niya.
"Matagal na akong nakamove-on, Boss Migs. Hindi ko lang matanggap sa sarili ko na move on na nga talaga ako, na kahit kelan hindi na magiging kami pero nagpapasalamat ako dahil meron kasing isang tao na nagpamove on ng tuluyan sa akin. Pinaramdam niya na hindi dapat ako sinasaktan, na hindi dapat iniiwan, na dapat ay inaalagaan ang isang tulad ko. Sa ginawa niyang 'yun, unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Siguro nga konting kembot nalang masasabi ko na sa kanyang gusto ko na siya e,"
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Ficção AdolescenteMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...