Mori's PoV
Nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang door knob ng kwarto ni Migs. Ipinikit ko ang mga mata ko at iniisip na sana pagbukas ko ay nakangiti siyang nakasalubong sa akin. Iniimagine ko yung mga masasayang araw na magkasama kami. Nong mga panahong kinukulit kulit ko pa siya, sinasagot sagot hanggang sa magkasundo kami at dumating sa puntong nainlove sa isa't-isa, nasaktan, umiyak, at umalis. Lahat ay natatandaan ko pa pati ang gabing nagkasama kaming dalawa at ang dahilan ng pagkabuo ng kambal na anak namin. Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari maliban nalang sa pag-alis ko at ang pag-iwan sa kanya. Para sa akin yun na yung pangatlo sa pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Kahit na sa sandaling nagkasama kami ni Miguel ay ang dami kong natutunan sa kanya. Nasaksihan ko rin kung gaano niya kamahal ang pamilya niya at masasabi kong parehas kami pagdating sa usaping 'Pamilya'. Ibang iba siya sa lahat ng nakilalang kong lalaki, hindi ko alam pero baka dahil na rin sa age gap namin, syempre mas marami na siyang naexperience kesa sa akin.
Pangalawa sa pinakamasakit na nangyari sa buhay ko ay nong mamatay sila Nanay at Tatay pati na rin ang anak ko na si Heaven. Pang-una sa pinakamasakit ay kung mawawala pa si Miguel sa akin. Baka mabaliw ako kapag nangyari iyon, hindi ko kakayanin.
Huminga ako ng malalim at pinihit ang door knob. Pagpasok ko ay kusa nalang tumulo ang mga luha mula sa mata ko kasabay nito ang pagtakip ko ng bibig ko.
"M-Miguel!!!"
Nilapitan ko ito at nanginginig ang mga kamay ko habang tinatanggal ang kumot na nakatakip sa kanya. Parang gumuho ang mundo ko sa nakita ko. Si Migs wala ng buhay. Wala na rin ang mga aparato na nakakabit sa kanya. Umiiyak lang ako habang yakap siya.
"Uy! Gumising ka naman oh!" Pangyuyugyog ko sa kanya. "Babalikan mo pa ako di ba? Ano nalang ang sasabihin ko sa anak natin kapag nalaman niya to? Miguel naman eh... gumising ka diyan please! Please, Miguel!" Pagmamakaawa ko sa nakahiga na si Migs.
"Uy! Migs naman eh. Di ba yayayain mo pa akong magpakasal? Hindi naman ako tatanggi eh. Kung gusto mo magpakasal na tayo ngayon na basta bumangon ka lang diyan. Parang awa mo na Migs!"
Nasa kalagitnaan ako ng pagdradrama ng pumasok sila Daddy at Tito na mukhang gulat na gulat sa nangyayari.
"Mori! Anong ginagawa mo??" Tanong ni Dad na parang wala lang sa kanila ang nangyayari kay Migs. Namatayan na kami't lahat lahat pero parang wala lang sa kanila.
"D-Dad..." napapahid ako ng luha ko. "...Si Migs po." Hikbi ko habang hinahaplos ang ulo niya.
"Oo, alam ko si Migs. Buhay pa yung tao, pero pinapatay mo na." Napakurap ako sa sinabi ni Dad at bigla nalang may humawak sa kamay ko na ikinagulat ko.
Nakita ko nalang na hinahalikan ni Migs ang kamay ko. "Ang ingay mo." komento niya. So, hindi ako nananaginip? Totoong buhay siya?!
"Uwaaahh!" Iyak ko ng marinig kong magsalita si Migs. Niyakap ko siya ng mahigpit at hindi ko na pinakawalan pa.
"Love, nasasakal ako." Binitawan ko siya sa pagkakayakap ko at sinapak ang balikat niya.
"Love-in mo mukha mo." irap ko sa kanya at umupo ako sa may couch sa tabi ni Daddy at niyakap ko ang braso niya. "Dad oh... Ang kapal ng mukha niya! Matapos niya akong iprank, akala ko patay na siya. Langya!"
"Natutulog lang naman ako tas inistorbo mo ako. Sino ba nagsabing patay na ako?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga! Wala naman nagsabi sa akin eh. Nilingon ko ang katabi ko which is si Dad at nagflashback ako sa nangyari kanina. eh 'di ba umiiyak si Dad?
"Dad!!" kako sa kanya at hindi ko alam ang itsura ko sa ngayon saka ko nilingon si Migs. "Si Dad kasi umiiyak kaninang dumating ako." sumbong ko sa kanya na parang bata.
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...