Chapter 14Miguel's PoV
I told Mori about her EX who's going here later and she said she doesn't mind at all. Parehas lang naman daw silang tao bakit kailangan pang iwasan? Ang pinagaiba lang nila ay siya ang anghel at demonyo naman daw si Jason. Hahaha. Loko talaga.
Alam kong matapang siya pero pagdating sa EX niya alam kong hindi pa siya gaanong kahanda na makita ito kaya hinanda ko na ang sarili ko anytime na baka kailanganin niya ako. Ayaw kong mangyari ulit yung nangyari kahapon sa kanya. Masyado ng masakit kung mauulit pa yun.
"Are you sure about that, Boss?" Nagbalik ako sa diwa ko ng marinig kong nagsalita si Gian sa harap ko.
Nakaupo ako sa may swivel chair ko sa may table at siya naman ay nasa tapat ko.
Tumango ako sa kanya saka itinigil ang pagtic-tac sa ballpen na hawak ko kanina pa. "Yes. She said she will come today."
"Dapat hindi mo na pinapunta. Ayaw kong umiyak na naman siya nang dahil sa g*gong yun." He's concerned, dahil parang kapatid na turing niya kay Mori not knowing that Mori has a crush on him.
"Let her see her EX, Gian."
"Let her? Dude, hindi mo alam ang sinasabi mo lalo lang siyang masasaktan, lalo na't kasama pa niya ang mapapangasawa nito na dating BESTFRIEND nila ni Apple. It sucks, dude! Ang makita ang EX-boyfriend at EX-bestfriend mo na magkasamang nag-aayos ng kasal nila, masakit yun uy!"
"I didn't know..."
"Marami ka pang hindi alam tungkol kay Mori, Migs. I know you're a little interested in her, just be careful, she's somewhat secretive."
Pagkaalis ni Gian ay isinandal ko ang ulo ko at napapikit nalang ako. Now, im getting confused. Gian know me better than I, myself.
I'm interested? Nah. Maybe i'm just concerned.
Tumayo na ako saka bumaba sa may lobby para hintayin ang mga EX ni Mori. Her EX boyfie and EX pesti---- este bestie pala. Pfftt.
"Goodmorning po Sir Miguel." Bati ni Pearl.
"Goodmorning Pearl. Wala pa ba si Mori?"
"Wala pa po."
"E sila Fernanda?"
"Wala pa rin po. Nagbreakfast na po ba kayo?"
"Hindi pa. Mamaya nalang."
"Sige po."
Umupo ako sa couch saka kumuha ng magazine. Kahit na nagbabasa ay maya't maya ang tingin ko sa labas nagbabakasakali kasi ako na dumating na si Mori. Halos magkakalahating oras na ako dito pero wala pa rin siya. Baka di na pumasok yun.
Sinara ko na ang magazine saka tumayo na ako at bumalik ng office ko. Kauupo ko palang ng may tumawag. Si Pearl.
"Hello... Oh sino daw?... Sabihin mo pababa na ako."
Tss. Sino naman kaya tong 'magandang' bisita ko daw? Pagbaba ko ay agad kong pinuntahan si Pearl at wala akong nadatnan kundi siya lang.
"Oh nasan na?"
"Sir nandoon po sa may pool."
Napailing ako sa inis pero ng makita ko ang sasakyan na nakapark sa labas ay napangiti ako. She's here.
I smiled when I saw her seating on the pool side habang nakalubog ang mga paa niya dito.
"Do not put your dirty feet on the pool, lady."
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...