T2OU 32

36 6 0
                                    

Mori's PoV

Ang bilis ng oras! Halos hindi ko namamalayan na may isang buwan na pala kami ni Apple dito sa Maynila. Lumipat kami ng bahay, nagpart time job at ngayon ay nagtuturuan kaming dalawa kung sino ang magluluto ng ulam dahil parehas kaming pagod. Si Apple kasi napakatamad, ayaw magluto.

"Bumili nalang kasi tayo sa karinderya diyan sa kanto." reklamo nito at humilata sa sofa. Sabi na, E , ang tamad!

Inirapan ko siya saka nilapitan, umupo ako sa tabi niya. "Hindi nga kasi masarap doon." Sumimangot ito saka biglang ngumiti na siyang  ikinatatakot ko. Alam ko na ang nasa isip niyan.

"Mag-Jollibee nalang tayo!" parang nabuhayan siya sa sinabi niya.

"Ayoko ng lumabas. Dito nalang tayo." kunwaring pagod ako at nanghihina. Ayaw ko ng lumabas at tinatamad din akong mamasyal, alam ko kasing after naming kumain ay paniguradong hihilain ako niyan mamasyal. Malapit lang kasi kami sa mall at sa mga pasyalan kaya gustong gusto niyang lumabas kesa ang manatili dito sa bahay.

Bumangon ito at sinimangutan ako. "Oh siya, magluluto na ako." napangiti ako sa sinabi niya. Sa wakas napapayag ko din siyang magluto.

Mabilis kong inilabas ang papel at ballpen ko. Kailangan kong kwentahin lahat ng bills namin dito sa bahay. Bukas makalawa ay sahod na rin naman namin sa pinagtratrabahuhan namin. Buti nalang at mabait ang may-ari ng restaurant na napasukan namin kaya lahat ng shift ay magkasabay kami ni Apple.

Matapos ko itong isulat sa papel ay idinikit ko sa maliit na ref namin. Nilapitan ko si Apple na busy sa pagluluto at kinukwentuhan or more like tsinismisan. Haha

"Kumusta na kayo ni Michael?" tanong ko dito.

"Well, ok naman. Hindi pa rin ako tinitigilan ng kumag. Ang sabi pa niya ay uuwi siya next month, tinatapos lang niya 'yung pakikipagdeal niya sa magulang niya para payagan siyang bumalik dito at siya ang magmanage ng maliit na negosyo nila sa Makati and I must say na wala naman akong pakialam sa sinasabi niya. Kung babalik siya, edi bumalik siya at kung hindi, okay fine."

"Ang sama mo talaga. Babalikan ka na nga ni Michael tapos ganyan ka pa. Hindi ba dapat maging thankful ka nalang kasi may taong handa kang balikan para makasama ka?"

"Hindi ako masama, Mori." huminto ito sa ginagawa niya at hinarap ako. "Pinoprotektahan ko lang ito (Sabay turo sa kaliwang dibdib niya) para hindi na siya masaktan. Alam mo naman ang mga pinagdaanan natin 'di ba? Ayoko lang maulit ang mga nangyaring 'yun. Bakit ikaw, hindi ba ganon din ang iniisip mo kaya kung maaari ay hindi mo talaga papayagan si kuya Miguel na manligaw sa'yo? Kasi natatakot kang maulit 'yung mga nangyari sa probinsiya. Kaya lang Mori, iba si kuya Miguel. Nasa ibang sitwasyon kayo. Kaya lang naman may ganong eksena noon ay dahil gumawa ng maling kwento yang malanding Richelle na yan. Kaya ka pinag-usapan pero tignan mo, in the end ikaw rin ang pinanigan ng mga tao dahil lumabas ang totoo na wala ka naman talagang ginawa, na siya lang ang gumawa ng kwento kwentong iyon. Kaya, Mori..."

Hinawakan niya ang kamay ko at sumeryoso. "Sagutin mo na si kuya Miguel!" hinila ko ang kamay ko at pinalo ito sa braso.

"Tigilan mo ko Apple ha."

Tinawanan lang niya ako at ipinagpatuloy na niya ang pagluluto. Baliw talaga!

"Oh 'di ba ang galing ko, pwede na ako maging artista. Hahahaha."

"Pwede ka na sa mental! Idadaan mo pa ko sa pagsesegway mo ha. Ikaw ang usapan dito, hindi ako ha."

"Parehas na din 'yun. Alam mo namang ang ganda natin kaya may mga patay na patay tayong manliligaw, e."

Natawa ako sa sinabi niya. "Baliw!" bulalas ko at tinulungan na siyang magprepare para sa hapunan namin. Kahit kailan talaga itong bestfriend ko na 'to. Hindi ko alam kung kailan magiging seryoso.

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon