T2OU 52

19 2 0
                                    

Mori's PoV


Pagkasara ko ng pinto ay bumungad sa akin ang napakaraming regalo, as in patong patong na regalo na hula ko ay simula ng mawala ako ay hindi sila tumigil sa pagbili ng regalo para sa birthday ko at para sa mga holidays na wala ako.

Napangiti nalang ako habang tinitignan ang mga ito kasabay ng mga luha ko. Tears of joy!

Nilibot ko ang buong kwarto. Pagpasok ko sa isang pinto ay doon makikita ang walk in closet na punong puno ng mga damit na sa tingin ko ay hindi ko naman maisusuot lahat sa sobrang dami nito. May mga bags, iba't ibang klase ng sapatos at mga accesories na kailan man ay hindi ko pinangarap na magkakaroon ako.

Lumabas na ako pagkatapos kong makahanap ng pantulog na damit. Sumunod na tinignan ko ay ang comfort room. After ng pagtotour ko sa kwarto ko ay umupo ako sa kama. Kung tutuusin ay napakalaki nitong kwartong ito para sa iisang tao lamang. Parang pwede na akong magtawag ng tatlo pa sa sobrang luwang ng space nito. Kung pwede lang talaga.

Sinubukan kong magbukas ng isa sa mga regalo. Inuna ko ang regalo nila Mommy at Daddy. Maliit lang naman na box ito. Pagbukas ko ay nakita ko ang isang kwintas na may hugis puso.

Locket. Isa itong locket pendant na necklace. Binuksan ko ito nakita ko ang picture naming apat, kasama si Pres nong baby pa kami. Ito lang siguro ang huling litrato na kasama nila ako kaya ito ang inilagay nila dito.
   
Inilgay ko ito sa side table ko at humiga na ako. Bukas ko na ulit titignan yung iba dahil baka ikapuyat ko pa ang paisa-isa kong pagbukas ng mga regalo. Mahirap na.

Chineck ko muna ang cellphone ko at may notification ako. Ito na siguro yung picture namin ni Pres. Binuksan ko ito at napangiti ako  hindi sa picture kundi sa medyo mahaba niyang caption.

"Pres Matinez: The moment that we met, I knew that there's something on between us. Now I can finally tell the world how happy I am to be with you. It took us 20 years to finally found you. Thank you for coming back to our lives! Thank you for filling up the half that lost in me. Finally! My wish granted to have a picture with you. You really are my other half. I love you my dearest twin! Hoping for more pictures to be taken. 😋😉 #MartinezTwins #Reunited #Longlostsister"
     
Nakakaloka. Haha. Infairness, daming comments agad. Sari sari. Pwede ng magbuy 1 take 1 sa dami. Chos.

Sa sobrang tuwa ko, hindi ko alam ang isasagot ko sa post niya. Inaccept ko na ito at tinignan sa wall ko. Medyo nakaprivate kasi ako pagdating sa mga pagtatag sa akin. Nakakainis kasi minsan kapag may nagtatag. Puro pa-like ng ganito ganon, kaya hindi ko hinahayaan na basta basta nalang mapunta sa wall ko ang mga ganong bagay. Wala ka kasing privacy kung ganon at pangit naman kung puro post ng iba ang nasa wall ko.

Nagbasa muna ako ng comments mula sa picture namin. Medyo marami kaya ang hirap basahin lahat. Pumukaw ng pansin ko ang comment ni Ate Moira.

"So cute. Next time isama niyo kami ha. Hindi yung kayong dalawa lang." komento nito at nilike ko siya. Sumasagot na ako sa comment niya ng may magreply sa kanya.

"Inggitera ka talaga Moi Moi palaboy." Si kuya Mark talaga kahit kailan.

Maya maya pa ay hindi na ako nakasagot sa kanya dahil nagsusumbatan na silang dalawa sa comment box. Buang kasi itong si kuya Mark e. Lakas mang-asar.

Moira Martinez A. : "Shut up Mark!"
   
Mark Martinz: "I'm not a dog. Arf arf!"
    
Moira : "Tss. Matulog ka na nga lang. lagi ka kasing puyat kaya hindi gumagana yang utak mo e."
   
Mark : "Ikaw kaya ang matulog para hindi magmukhang haggard yang pangit mong mukha! Nakakahiya sa mga guest mo."
   
Moira : "Ano?! Humanda ka sa akin kapag nakita kita!"
   
Mark : "May pahanda si Moi-yora! Para ba sa birthday ko yan?"

Moira : "Hindi! Para sa libing mo! Bwisit!"
    
Mark : "Aba! Isusumbong kita kay Daddy. Ipapabasa ko tong comment mo sa kanya. Patay ka! Hahaha."
   
Moira : "Edi gawin mo! Sumbungero!😡!"
     
Pres : "Would you two stop arguing? Ginagawa niyong fighting box comment list ko e."
   
Mark : "Ayan si Moi Moi palaboy kasi."
  
Hinihintay ko ang reply ni ate Moira pero mukhang huminto na ang dalawa. Nakakaloka talaga si Kuya. Lakas mang-asar pero nakakatuwa sila. Para silang mga batang elementary kung mag-away. Pfftt. Para tuloy mas gusto ko silang makilala pa dahil sa kakulitan nila. Dati kasi medyo naiinggit ako sa mga nakikita ko na magkakapatid na laging magkasama, magkabonding, nag-aasaran, nagkukulitan at sabay na nagtatawanan.

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon