Mori's PoV
Nagtaxi na kami ni Boss papunta sa night market. Alas diyes na pero napakarami pa ring tao dito parang hindi nauubusan.Pagbaba namin ay nagtingin agad kami ng mga damit. Hanap dito, hanap doon. Ang daming magaganda. Buti nalang pati yung wallet ko ay nilagay ni Apple sa bag ko kung hindi baka si Boss na naman ang gumastos para sa aming dalawa. Sobrang nakakahiya na. Hinanapan ko rin ng pasalubong si Apple pati na rin si Nanay.
"Bagay ba 'to sa akin?" tanong ko kay Boss saka itinapat ang damit sa katawan ko. Pinaningkitan niya ako saka kinuha ito at ibinalik sa pinagkuhanan ko. "Too sexy." bulalas niya at nauna ng maglakad.
Ginaya ko ang sinabi niya saka sumunod sa kanya. Kill joy e.
"Here." may inabot siya sa akin at itinapat sa katawan ko. "Nah. This one." at may isa ulit. Inirapan ko siya at this time ako naman ang nagbalik nong damit. "Mukha akong matanda diyan, eh." reklamo ko.
Jusko wala na yatang matino kaming mahahanap na damit para sa akin. Nabilhan ko na ng pasalubong sina Nanay at para sa sarili ko nalang ang wala pa. Si Boss kasi ayaw niya yung mga pinipili kong damit, kung hindi sexy, too revealing daw. Ang arte!
"Wait me here, may bibilhin lang ako." sabi nito kaya naman pagkakataon ko ng bilhin ang gusto ko.
"Sige lang. Dito lang ako." kako sa kanya ng nakangiti.
Mabilis kong hinanap yung damit na nakita ko kanina at binili ito, pati yung maong na shorts na dalawa ay binili ko na agad. Wala naman na siyang magagawa kapag nabili ko na, di ba?
Ngumiti nalang ulit ako ng makita ko na siyang naglalakad pabalik. Mukhang may binili din siya na para sa kanya siguro o baka para kay big guy.
"Let's go. Saan mo gustong pumunta?"
Tinuro ko ang kainan na nasa tabi namin. Daming Barbeque at mga lugaw, streetfoodsssssss. Nang makahanap ako ng pwede na medyo mabenta ay dito na ako umorder ng kakainin namin. Tatlong 1 day old, 5 isaw, 2 bbq at 4 na dugo. Ipinaluto ko kaagad ito saka tinignan si Boss sa tabi ko. Hindi na maipinta ang mukha niya.
"Bat' ganyan itsura mo?" takhang tanong ko. Medyo yumuko siya at bumulong sa akin. "Bakit puro iniihaw yang binili mo at may 1 day old ka pa, baka magkasakit ka niyan. Sana naglugaw ka nalang."
"Ano ka ba?? Ang killjoy mo, kanina ka pa. Tsaka hindi naman para sa akin lang yan kundi sa ating dalawa. Mamili ka nalang din diyan ng gusto mo, okay?"
"Fine. Bibili din ako ng lugaw ha." Tignan mo 'to. Papayag din sa gusto ko. Pfftt. Baka ayaw ng kumontra dahil magtatampo kuno ako. Haha. "Do you want with egg?" tanong nito at umuo lang ako.
Kain lang kami ng kain hanggang sa mabusog na kami at halos hindi ko na maubos ang natitira pang inorder ko.
"Manang, pa-take-out nalang po yung tira." kako sa nagtitinda at binalot naman niya ito. Ibibigay ko nalang iyon sa batang nadaanan ko kanina na namamalimos. Mahirap naman kasing magbigay ng pera sa kanila baka kasi kung saan lang nila ito igastos. Naranasan ko na kasing magbigay ng pera sa mga batang nangmamalimos at ipinambibili lang nila ito ng pambisyo nila gaya ng sigarilyo. Kaya it's a 'No-No' sa akin ang bigyan sila ng pera.
"Let's go home." Pag-aaya ni Boss.
"Tara." sagot ko at nauna ng tumawid. Pagtawid ko ay biglang sumigaw si Boss na ikinagulat ko at hinila niya ako palapit sa kanya. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko namamalayan na pareho na kaming nasa sahig ni Boss at yakap niya ako.
"Sh*t!" pagmumura ko. Nakita ko nalang na pinagkukumpulan na kami ng mga tao. "Migs..." yugyog ko sa taong nakayakap sa akin. Mabilis siyang bumitaw at tignan ako kung may natamo ba akong sugat.
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...