TSM11

423 17 2
                                    

®Ayana P.O.V®

Wala man na akong sakit na nararamdaman.

Nakalimutan ko kasi ang banta nila kahapon di tuloy ako nakapag ingat.

Ang Harsh! Nila hah..(╥╯﹏╰╥)ง

Sige sa susunod mag ingat nalang ako. Ibang tapang kasi ang pinamalas ko noong isang araw eh!!

Wala man akong kalaban laban ano ba kasing klase itong kapangyarihan ko ke ganda ganda ng mga color peru parang painting lang display!

Augh! Nakakafrustrate naman ito.

Ayaw din ng iba sa akin.

Makapunta na nga sa school ma late pa ako nito eh!

Classroom...

"Buhay ka pa pala?"-----Glowie

"malamang humihinga pa eh"

Nang tumayo ito napa atras agad ako masamang titig naman si Caide sa akin.

"Good Morning"

Si Sir Max.

Walang sumagot sa kanya tatlo lang kami ngayon bakit kaya absent si Acaila wag naman sanang may nang bully na naman doon. Tss.

Nagsimula na mag discuss si Sir Max di ko alam kung anong subject siya. Eh! Sensya na lagi kasi akong napasabak sa gulo.

Nalaman niya na may tatlong sangay ang mundo Ito ang Mythical Academy, Dark City, Underworld.

May mga dalawang realm naman sakop ang Academy yun ay ang Mana Realm yun ay ang pinamunoan ng mga neautral na nilalang na siyang nagbigay ng supporta sa mga ability user na nangangailangan nito iyon ay para hindi kainin ang life span ng isang ability user. Ang Mana Realm ay pinamumuhayan din ng mga taong walang kakayahan tulad nila peru kayang magsurvive sa mundo ng mahika. Kailangan silang e summon ng isang ability user

Ang Guardian Realm ito ay ang pinamumuhayan ng mga guardian katulad ni Draco at Jana at marami pang iba. Sila ay ginagamit ng isang ability user sa pakikipaglaban o pagtraining sa kanilang ability. Ang isang ability user na may Mana ay hindi pwedeng makakuha ng guardian at ang may guardian ay hindi pwedeng may Mana. Depende rin sa ability ng isang tao kung ano ang matatanggap niya Mana ba o Guardian may mga abilities din na di na kailangan ng Mana o Guardian kadalasan sa Rare Class ito na belong.

Ang Dark City ay ang mundo kung saan ang lahat ng elemento ay masama lahat ng kapangyarihan nito ay galing sa Dark Circle. Dahil sa gusto nitong sakupin pati ang Academy kaya laging may labanan sa portal ng bawat mundo.

Ang underworld ito ang mundong walang pakialam sa academy hindi din ito matukoy saan pumanig ito sa masama ba o sa mabuti. Nag aaway away din ang mga lahi na nandun at hanggang ngayon ay hindi parin nila mahanap ang kanilang prinsipe.

Kailangan ko atang e upgrade ang memory ng utak ko. ʕ•ﻌ•ʔ.

Napansin kung natutulog na iyong dalawang kontrabida parang kailmi nalang ni Sir Max nag uusap ah! Tsssss. Sarap sapakin habang natutulog. Hahaha joke lang. Di ako ganun ka bad.

Bell na pala.

Pupunta nalang ako sa cafeteria.

Hallway...

"Ayanaaaaaaa!!!!!" nangingiyak na sigaw ni Ciedney na pumuno sa buong hallway at bumulusok ng takbo papunta sa akin.

Wait! Bakit namumutla ata

At kasunod din si Scarllet na sigaw ng sigaw.

"takboooooooo!"

At sa isang iglap lang tangay na nila ako na guguluhan para silang may kinatatakutan. Habang tumatakbo kami sumisigaw din ako

The Support MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon