*Awakening 2.0*

228 14 4
                                    

*******ipagpatawad nyo po sinulat ko kagabi ang the Awakening na mangisay ngisay na ako sa antok! Kaya inantok din si Ayana 😂😂**********

************************************
©Priam P.O.V©

Biglang tumahimik ang lahat na kahit isang huni ng ibon ay di ko narinig, parang binalot kami sa katahimikan ng tiningnan ko sa bintana nagtataka ako bakit parang lahat ng balahibo ko sa katawan tumayo? Para akong nenerbyos na ewan! Parang may masama na di ko matukoy sobrang kakaiba. Basta ko na nalang nakita ang pag alpas ng liwanag ng buwan sa bintana ng napakabilis at kadiliman na ang namayani sa kapaligiran. Kasunod nito ang kilabot na aking nararamdaman pati ang lakas ng pagkabog ng aking puso.

Agad akong nakiramdam sa paligid dahil sa sobrang tahimik.

At mas lalo akong kinabahan ng magpadala ng mensahe si headmaster sa aming isip, shit! this is something bad!

Agad akong tumakbong palabas.

©Skye P.O.V©

Napa upo ako sa kama ng maramdaman kung may malagim na kapangyarihang bumalot sa academy sobrang lakas. Nang nagpadala ng mensahe si headmaster alam namin na may masamang mangyayari.

Agad akong lumabas ng kwarto at kasabayan ko pa si Gaia at Quell nagkatinginan kami ng makita naming di lumabas sa kwarto si Flare di maipaliwanag ang kaba ko.

Halos sabay kaming nag teleport tatlo, nagpunta ako sa laging tambayan ni Flare sa ibabaw ng puno peru di ko siya makita kakaiba na ang kapangyarihan na bumalot sa amin sobrang tahimik at dilim na nang paligid teka? Diba full moon kanina?

Pinakaramdaman sa pamagitan ng hangin ang mga nilalang na nasa paligid. At agad na nagkulay abo at pusyaw na dilaw ang aking kabilang mata. Ang aura na nasagap ko parang nakakaliyo sa lakas.

Halos kasabay ko lang dumating sina Gaia at Quell na nagbago rin ang kulay ng kanilang mata nararamdaman din nila ang kapangyarihan. Nakita ko na walang malay si Flare na nakahandusay sa lupa na napapabalibutan ng apoy habang parang tinulos na kandila sina headmaster ,Sophia at ang isang babaeng kaibigan ni Ayana.

Nang mapadaku na ang tingin ko sa babaeng nakatayo na nakangiting nakatitig sa amin halos di ako makahinga.

She was Ayana

Ayana who look like a beautiful temptation of a devil.

She is white as a snow, kahit sa kadiliman at bahagyang ilaw lamang galing sa apoy ni Flare ay kumikinang ang kanyang kaputian. Ang kanyang bilugang mukha, na binabagayan ng bilugang mata ang matangos niyang ilong na binabagayan ng bloody red na mga labi. But her eyes, looking directly on her eyes makes me shiver, her gaze is sharp but yet so tempting to look at parang hinihila ang kaluluwa ko at sambahin siya.

We are now covered with our respective aura.

"The heir and the heiress of the elements"  ang boses niya sobrang lamyos sa taenga pakinggan.

"Ayana..." tawag ni Gaia sa kanya tumingin si Ayana sa kanya.

Kinumpas niya sa ere ang kanyang kamay at agad sumabog sa gawi ni Gaia at tumalsik siya.

"Gaia...." sabay naming sigaw ni Quell.

Tumayo si Gaia na may lumalabas na dugo sa ilong at bibig.

"I'm fine! Don't let your guard down..." sabi nito.

Tumawa naman si Ayana..hindi ...hindi siya si Ayana siya ay ang itim na buwan.

Siya ang nasa propesiya! Ang Black Luna.

Fuck!

Ang tawa niya ay napakasarap pakinggan peru hinihigop ang aming lakas.

The Support MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon