*TSM 87*

228 9 5
                                    

*Sophia's P.O.V.*

Kahit sa bali bali kung buto sa katawan ay nagpupumilit akong makaabot sa  pwesto sa ere kung saan nakahimlay ang halos wala ng buhay na katawan ni Skye.

Marahan kung hinaplos ang buhok niya ang perpekto niyang tangos ng ilong ang kanyang mapupulang labi dati na ngayon ay maputla na at ang nakapikit na mga mata.

He is different from all the reincarnation of Skye I've known through all those years.

Kakaiba siya at higit sa lahat ang sobra kung kakaibang nararamdan sa kanya. He is the most special person I've known.

Alam ko nang malapit ng tapusin ng Apollo ang pakipaglaru ng aming buhay.

Sa kabila ng bali bali kung buto ay pinunit ko ang damit na sirang sira na rin sa banda kung dibdib. Mabuti nalamang at nakuha ni Flare si Ayana at nawala ang Black Luna dahilan para makawala ako sa pagkagapos ko sa itim na kuryente.

Lumitaw ang pakpak na puti na sumisimbolo sa aking pagiging immortal. Umiilaw ito.

Di ko alam bakit pumasok sa isip kung pahiran ito ng dugo ni Skye.

Nang nagawa ko iyon ay parang ang sarap at gaan sa pakiramdamn ko peru nagulat ako sa nakita ko.

*Ayana P.O.V.*

Nanginginig ako na halos di na makahinga iyon ang eksaktong nararamdaman ko, I want to wake up from this nightmare. Nang tinatawag ako ng kapatid ng lalaking may hawak na simbolo ng araw ang lakas ng koneksyon ko sa kanya. Nang pinagtagpi tagpi ko ang nalalaman ko then I am the destruction of this world and the thought about it made me wanted to kill myself, napatingin ako sa aking dalawang kamay it has stained a lot of innocence blood. Nanginginig ko itong tinitigan. I am a demon! I deserve to be punish till I die.

"My Lady..gusto mo bang maalala ang lahat?"

kaya napatitig ako kay Grey he was kneeling infront of me together with Acaila ang Braile naguguluhan talaga ako.

"Anong ibig mong sabihin Grey?" kahit pa sa kanyang Dark Aura ay nararamdaman ko pa rin ang sinseridad ng sinasabi niya.

"My Lady, hold my hand...."  and he extended his hands to me. Agad naman itong hinarangan ni Flare.

Nagpalitan muna sila ng salita bago ko napagpasyahang magsalita.

"Magtiwala ka sa amin Flare!" nakita ko ang malaking pagtutul sa kanyang mga mata.

I extended my hands to hold Grey, ng maglapat ang aming kamay, kasabay noon ang mga ala-ala pumapasok sa utak ko napakasakit..."Ahhhhh" I was screaming at the top of my lungs.

May pilit din kumawala sa pagkatao ko na ang hapdi, di ko alam saan ko ibabaling ang sakit basta sigaw lang ang tanging magagawa ko. Naririnig ko pa ang mura ni Flare at tawag niya sa pangalan ko. Ala-ala kung bakit ako nagkaroon ng buhay, paano ko ginawa si Grey bilang Griffin ko galing sa aking itim na mahika at ang aking natatanging mga sandata. Ala-ala ng aking kapatid na si Apollo kasunod na mga ala-ala ay wala na kaming singtulad na kasamaan halos, paos na ang lalamunan ko sa kasisigaw ng makita ko mismo na ako ang kumitil sa buhay ni Markus at Scarllet at ng iba pang mga taong walang awa kung pinaslang. Gusto ko ng sumigaw na tama na peru wala na akong lakas pang bumigkas ng salita. Halos gusto ko ng sumuko ng makita ko sa aking balintanaw ang gusto kung dukutin ang puso ni Flare.

Ang sama ko!

Ang Black Luna ay parte nang aking pagkatao nabuhay ako bilang demonyo sa paningin ng mga tao.

The Support MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon