*Ayana*

220 11 2
                                    

©Ayana P.O.V.©

Naglakad kami sa opisina ni headmaster pasikot sikot kaming apat sa hallway wala pang gaanong estudyante ang nasa labas malamang natakot pa sa mga yanig, pagsabog, delubyo at mga malalakas na mahika na nagyari kanina.

May ilan-ilan din na naglalakad na tinitingnan ako in a very weird way. Oo alam ko ang weird naming apat tingnan may isa akong kasamang fairy at Mana at isang napaka energetic na kalansay at ako ay isang gusgusin para na nga akong taong grasa.

Haay. Sayang ang aking ganda na di mo inakala.

Kinakabahan ako lalo na't malapit na kami sa pintuan sa opisina ni headmaster di ko naman nakakausap itong mga kasama ko. Nakakabaliw ang kaba ang daming what if  sa isip ko.

Tulad ng what if ibalik sa dati ang hugis ng pancit canton?

Ipinilig ko ang aking ulo nababalikw na ata ako dahil sa kaba pati kabog ng puso ko umabot na sa utak ko.

Kumatok ako at ng marinig kong pinapasok ako pinihit ko ang seradura nang nanginginig ang kamay.

Nikingon ko ang tatlo kung kasama Jana give me an encouraging look, habang si Ken ay pokerface parin para lang siyang robot at ayaw na ayaw ko sanang itingin ang mata ko kay Crisna peru wengya na naman oh alam ko kasi na nadun ang ngiti niyang nang-aasar. Teka? buti pa si Crisna walang alam kundi ang ngumiti kahit nasasaktan na. Kailan ba di ngumingiti ang kalansay? Kalansay na nga diba?

Itinuloy ko na ang pagbukas sa pintuan ni headmaster baka mahabang haba pang diskusyon sa utak ko kung bakit nakangiti ang kalansay na iyon.

Nandun si headmaster sa table niya habang nakaupo naman na di kwatro si Bolton sa harapan niya at si Sophia ganda andun sa sofa.

"Oh Ayana!" bati ni headmaster sa akin napadaku na man mata niya sa tatlo kung kasama at agad na yumuko si Jana at Ken pag bigay galang kay headmaster peru si Crisna kumaway lang sana peru hinila ni Jana ang ulo nito dahila para mapayuko ito.

Peru ang nagpalaki ng mata ko ay yumukod si headmaster at Bolton kay Ken.

"Magandang hapon mahal na Prinsipe" bahagya din silang yumukod.

"Prin....prinsipe ka?" pasigaw kung tanong kay Ken.

Di ata ako makapaniwala baka itong kalansay na ito Reyna din.

Dapat di ko ata minamaliit ang mga kasama ko lagi silang may bitbit na bomba pampasabog.

"Ahemmmm!!" boses ni headmaster ang nagpabalik ng tingin ko sa kanila.

"Wag mong tingnan ng ganyan ang guardian ni Priam" napatuwid ako ng mukha. Welengye ang obvious ko talaga kahit kailan.

"Ano ang sadya mo?" diretsong pahayag ni headmaster.

"Ah..kasi po, sabi niyo po dito sa paaralan ko matatagpuan ang katauhan ko, baka may alam kayo o baka anak nyo ako" halos maibuga ni Sophia ang tsaa na iniinum. Pigil naman ang halakhak ni Bolton habang parang wala namang pakialam ang mga guardian dito sa likod at tiningnan ako ni headmaster na parang sinasabi niyang di ako katanggap tanggap bilang anak niya.

Matiim ko siyang tinitigan gusto kung basahin ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Headmaster di ko alam na nagkaroon ka ng kalaguyo at ngayon nasa iyong harapan ang anak mo " natatawang sabi ni Bolton.

The Support MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon