*Prophecy*

237 8 4
                                    

©Ayana P.O.V.©

Mariin kung ipinikit ang aking mata at iminulat kung muli ngayon halos  lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba.

Unang nakita ko ang nanginginig sa takot na si Sophia at halata din na di makagalaw si Master at Bolton nakatayo na si Crisna ,Jana at Ken.

"Hindi...maari...." naghihisterical na si Sophia na nanginginig pa rin sa takot.

Habang unti unti ding pina process nang utak ko ang sinasabi nila.

"Kung ganun isa akong Dark Magic Circle?" halos pabulong lamang ang tanong ko sa kanila kasi nanlamig ako.

Bakit instead na makilala at maiintindihan ko ang pagkatao ko ay mas lalong gumugulo at mas lalong nakakagimbal.

"ISA KANG DEMONYO!!!!!" sigaw ni Sophia.

Napanganga ako sa sinabi ni Sophia. Ako demonyo? Bakit sa araw na ito dalawang beses ko na iyong naririnig? Parang may bumara sa lalamunan ko.

"DAPAT KA NANG MAMATAY!!!!!" bigla biglang naglabas ng kuryente si Sophia sa katawan.

"Sophia...huminahon ka!" tawag ni master sa kanya. Bago paman ako makakilos ay nanlaki ang aking matang tiningnan lamang siya.

Basta na lamang may humigit sa baywang ko at kusa akong yinakap para protektahan ako. Nakita kung nakataas ang isa niyang kamay para gumawa ng harang para pigilan ang pagbulusok ng kuryente papunta sa amin.

"Skye...!!!" sabag naming bigkas ni Sophia.

"Ano ba ang ginagawa mo Sophia!!!" sigaw ni Skye sa kanya.

Peru bago pa si Sophia makasagot ay basta na lang nagliyab ng apoy ito peru di ito naapektuhan dahil nakagawa na ito ng harang. At nang binaba ni Sophia ang braso niya natigil rin ang kapangyarihan nila.

"Kayong lahat ay makinig sa akin! Si Ayana Denoven ay isang Demonyo hindi lang siya isang Dark Magic Circle isa siyang demonyo na nakasaad sa propesiya!!!!!" malakas na sigaw nito ng ilibot ko ang aking paningin nandito silang lahat. Sina Grey, Breil, Acaila, Ciedney, Scarllet, Markus at ang E-class kasama si Priam.

"Don't fool us Sophia diba ikaw ang may dugong Black Magic Circle? Yeah we can take you out from the Dark City but we can't take the Dark inside you." maanghang na salitang binitawan ni Skye nakita kung nangingilid ang luha ni Sophia na tinitigan si Skye.

"You just say that because you know nothing!!!!!" balik na sigaw ni Sophia.

Di na niya napigilan ang luha na kanina pa pinigilan ng magsalita si Skye.

Hawak pa rin ako ni Skye sa baywang habang nasa likod niya si Flare na matalas na tiningnan si Sophia.

Agad na nag-unahan ang luha ko ng isa-isa kung tiningnan ang mukha ng mga taong walang tigil sa pag ligtas sa akin.

"i...isa akong...Dark Magic..." halos basag ang boses na sabi ko mas masasabi kung bulong na lang iyon.

"Ano....??" kunot noo akong tiningnan ni Skye.

The Support MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon