©Sophia's P.O.V©
Mapait akong ngumiti tatlong beses akong nasaktan. Napailing ako minahal kung totoo ang mga Skye na dumaan sa buhay ko sa loob ng isang daang taon. Akala ko nung una sila ang Skye na puputol sa sumpa kung imortalidad peru hindi nangyari iyon dahil mas pinili nila ang kanilang mga responsibilidad bilang Air element. Ang unang Skye na nakilala ko ay namatay sa aking bisig ng prinotektahan niya ako noon laban sa mga taga Dark Magic Circle.
Namuhay man kami uli tulad noon na may kanya kanyang mundo peru ang relasyon ay nagkaroon ng lamat at ganid sa kapangyarihan ang taga Dark City.
Ang pangalawang Skye na nakilala ko ay may mahal na iba at pinili niya ang babaeng tinibok ng kanyang puso at labis akong nasaktan.
Nawalan na ako ng pag asang dumating ang totoong Skye na mahalin ako at putulin ang sumpa.
Hanggang isang araw natagpuan ko si Skye na taga Dark City magkasundo kami sa lahat ng bagay, naging masaya ako sa piling niya at umasa na siya na si Skye na hinintay ko magkatulad pa rin sila nung nauna hangin ang kapangyarihan. Kaya nag desisyon akong tumira sa Dark City at tahakin ang mundo ng Dark Magic Circle peru iyon ang pagkakamali ko dahil ginising lamang ni Skye ang mga natutulog kung kapangyarihan at kinopya ito. Doon ko nalaman na nakuha ko pala ang kapangyarihan sa itim na kidlat. Ginamit lamang niya ako para lalong magpapalakas.
Kaya nawalan na ako ng pag-asang maging normal na tao ulit.
Namuhay akong mag-isa at walang pusong pumatay sa mga taong mangagamit.
Hanggang isang araw kumatok sa pintuan ko si Skye Dexter Middleton.
Alam kung siya ulet ang Skye na hinintay ko sa napakahabang panahon magkamukha sila nung sa nauna at kahawig din nila ang mata at ngiti ng kanilang ina ang babaeng tinulungan akong alisin ang sumpa bilang immortal peru ayaw ko ng umasa baka isa na naman siyang reinkarnasyon sa mga nauna na Skye sa buhay ko. Masyado nang masakit ang umasa at masaktan dahil sila tunay ko silang minamahal peru ang masakit na katotohanan umaasa na naman ang puso ko na siya si Skye na hinintay ko dahil nagsimula na namang mahulog ang loob ko sa kanya.
Hinagip ko ang aking peklat sa tagiliran isa iyong masakit na ala ala sa huling Skye na nakasama ko dito niya ako sinaksak ng patalim isang espada nang maharlika sa Dark City kaya may peklat ito ng maghilum balak niya akong patayin.
Napakuyom ang aking mga palad.
At wala ding tigil sa pag agos ang aking mga luha.
Hindi regalo ang immortalidad ito ay isang sumpa para patuloy mong maramdaman ang sakit sa nakaraan at pinili kong mag-isa at hanapin ang taong makaputol sa sumpa dahil pagod na akong mag-isa at masaktan.
Sana ikaw na si Skye ang anak na binasbasan galing sa nakaraan.
Napahiyaw ako sa sakit ng kumirot ang tattoo na puting pakpak sa aking dibdib para itong tinusok tusok ng daang kutsilyo.
"Shitt!!! AhhhhhhHhh!!!!!"
Tanging sigaw ko, hindi ko na makayanan ang sakit ang kirot.
"AhhhhHhhhh pakiusap tama na! Napahiga na ako sa sahig sa sobrang sakit.
Sa loob ng ilang daang taon ngayon lang nangyari ito.
Nanginginig ako sa sakit.
Tok! Tok!
"Sophia ba't ka sumisigaw buksan mo ang pinto!" narinig ko ang boses ni Skye.
Peru tanging panginginig at pagkirot lang rumehistro sa sistema ko.
Gusto ko siyang paalisin!
Isang binasag na pinto ang narinig ko at
"Holy shit! What the fuck!!!" agad siyang tumalikod sa akin.
Wala na akong salitang mabigkas.
Dali dali niyang hinablot ang comforter ko at pikit matang binalot sa akin.
"Sophia ano ba ang nangyari sayo? Should I bring you to the infirmary?" narinig kung sabi niya.
"Ahhhhh!!!" tanging daing ko na lamang dahil sa kirot nalasahan ko na ang dugo sa pagkagat ko sa aking dila ayaw kung dumaing.
Di na ako nakapagprotesta ng basta nalang niya akong hinablot na balot ng comforter at sa isang iglap nasa infirmary na ako.
"Nicolie...!" tawag niya sa isang healer.
"I guess we need Maam Helena" suhestyon ng healer.
Nawala ito saglit.
Wala pa rin akong tigil sa pagnginig dala ng kirot at nararamdaman kung umupo sa tabi ko si Skye at I saw a worried expression on his face.
Hindi siya nagsasalita all I can see was his facial expression na seryoso at nag-alala iba sa expression niya na cocky and confidence.
Kasama si headmaster at Bolton ni Maam Hellena ng bumalik sila ni Nicolie.
"You may now leave Skye and Nicolie.." ma awtoridad na utos ni headmaster Sebastian.
Nakita ko ang pagtutul sa mukha ni Skye peru sinunod din niya si headmaster.
Tinanggal ni Hellena ang kumot sa badang ibabaw ng dibdib ko sapat na makita nila ang immortality tattoo ko.
Humakbang si bolton at hinawakan ito.
"Pansamantala kong selyohan ito Sophia peru di ko maipapangako na di ka uli makaranas ng sakit na ganito" at diretso niyang hinawakan ang aking tattoo at umilaw ang kanyang kamay.
"Sophia may ipinatong bang basbas sa iyong immortalidad?" seryosong tanong ni headmaster.
Napaiwas ako ng tingin.
Du nila alam ako lamang ang nakakaalam.
"Sophia I know you are older than any of us dear but you are still a person with emotions." nakangiting sabi ni Hellena na di ko maintindihan.
"Sohpia nalalapit na ang takdang panahon ang pagdesisyon kung may bukas pa ba tayo o wala na" seryosong sabi ulit ng headmaster.
Umiwas ako ng tingin kasi alam ko alam na alam na naganap na ang seremonyas sa orasan unti unti ng nagtagpo ang kanilang landas.
Wala nang ibang salita na umalis si headmaster at Bolton.
"Sophia.." napatingin ako sa mukha ni Hellena na nakangiting tinawag ang pangalan ko.
"Always believe that someone will come and love you no matter who you are." nararamdaman ko ang sinseridad ng boses niya.
At sa isang iglap nakaramdam ako ng isang yakap galing sa isang tao na alam kung nagmamalasakit sa akin ng totoo.
Di ko namalayan ang mga luhang naglandas sa mga pisngi ko at gumanti ako ng mas mahigpit na yakap.
Anf I feel something warm inside my heart.
************************
A/N: Naguguluhan ba kayo lalo? Ang sabaw ko gumawa ng kwento no at ang gulo hahaha! Pasensyahan nyo na po talaga ako hah!
Tsaka lubos po akong nagpapasalamat sa nag votes ng ilang chapter lalo na sa mga nagbabasa . Woooo! Di ko na alam saan ako humugot ng inspirasyon sa kwentong ito. Peru nasa plot parin naman siya kaya panindigan ko na.😊😊😊
Jahmie,
BINABASA MO ANG
The Support Magic
Fantasy*Hi Everyone if you want to read a Fantasy story na magulo ito na po yun.* •This story is about the girl name Ayana who has just have the support magic of Flare Fiddleton a cold PokerFace guy but he is hot kasi po isa siyang Fire element.• A lot...