©Ayana P.O.V©
Tinitigan ko si Grey habang seryoso na may binabasa sa libro. Damn gwapo talaga. Lalo na at concentrate na concentrate siya sa binabasa niya. Naalala ko ang nangyari sa Mist Forest pakiramdam ko di ko lang guni guni yun eh. Gusto kung lapitan at sabihan si Grey balak kung tanungin siya ulet.
Yung tiger kasi na iyon ay gumugulo lagi sa aking isipan at pakiramdam.
May tumabi sa akin at lakas bumuntung hininga.
"Gwapo niya no?" nakangiting pahayag ni Ciedney.
Napatango ako tinamaan din kasi ng landi itong kaibigan ko.
"Buti ka pa Ayana nakakasama, nakakausap at pinapansin ka niya ako kasi iniiwasan niya" malungkot na sabi ni Ciedney, dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Ano ka ba Cied, busy lang ang Greylicious mo wag tampo agad wag ganun" biro ko sa kanya.
Ngumiti lang siya peru bakas sa mukha ang lungkot.
"Gusto mo tulungan kita sa kanya?" sincere kung alok ng tulong sa kanya ayaw ko kasi makita siyang malungkot mas gusto kung makita ang sunshine smile niya.
"Ayana di mo nagustuhan si Grey?" nakayuko niyang tanong sa akin.
Bahagya akong natigilan, oo gusto ko si Grey ilang beses niya akong niligtas ilang beses niya akong pinangiti at ilang beses niya akong di iniwan. Napabuga ako ng hangin at nakapangulumbaba ngayon sa railings habang tinatanaw ko si Grey, seryoso akong nagsalita.
"Ewan ko ba Cied, kahit gaano kabait si Grey sa akin di tumitibok ang puso ng mabilis pagkasama ko siya" napatingin ulet ako sa gawi ni Ciedney nakita ko luha na pumatak sa sahig. Shit! may nasabi ba akong mali. Dali dali kung hinawakan ang balikat niya.
"Sigurado ka Ayana?Kasi kung may nararamdaman ka sa kanya, isusuko ko iyon alang alang sa pagkakaibigan natin kahit masakit..."
"Shhhh!!!!" putol ko sa sinasabi niya kaya napataas ang tingin niya sa akin at nagtama ang aming paningin nakita ko gaano kalungkot at nasaktan ang kaibigan ko. Kinabig ko siya at yinakap ko siya ng mahigpit. The least I can do is to hug her and let her feel that I am always be here.
"Pinipigilan ko naman eh, ayaw kung bigyang kahulugan ang mga ginagawa niya sa kin peru ang bakit ang sakit sakit" humihikbing pahayag niya. Di ako umimik yinakap ko lang siya at hinayaang umiyak para mapalabas niya ang nararamdaman niya. Bwesit na Grey talaga iyon di niya alam na sinasaktan niya si Ciedney ng bongga ako nga eh nalilito kay Grey matapos ang suicidal mission namin sa Mist Forest para maisalba si Ciedney ay basta nalang niya itong iwasan.
Pusang gala ka Grey magkabulutong ka sana sa singit!
Humiwalay ng yakap sa akin si Ciedney.
"Salamat Ayana" ngumiti na siya ng totoo peru di abot hanggang mata nandun kasi ang lungkot. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Support Magic
Fantasy*Hi Everyone if you want to read a Fantasy story na magulo ito na po yun.* •This story is about the girl name Ayana who has just have the support magic of Flare Fiddleton a cold PokerFace guy but he is hot kasi po isa siyang Fire element.• A lot...