TSM24

365 12 0
                                    

©Grey P.O.V.©

Kanina ko pa gustong sakmalin ang lalaking kasama ngayon ni Ayana, kanina pa ako nangangalit. Gwapong gwapo pa ito sa kasama halatang kinilig. ʕ•ﻌ•ʔ

Palibhasa sa tingin niya lahat ng lalaki na nandito ay gwapong gwapo siya.

Eh mga mukha namang kabute ang mga taong nakapalibot sa kanya maliban sa akin.

I snorted!

Bakit ba ako nagkaganito kay Ayana?

Ipinilig ko ang aking ulo. Bakit nga ba? At may bagay pang magulo sa akin bakit nababasa ko ang isip niya? At tanging siya lang. Nagulat nga ako na meron pala akong telepathy peru bakit sa iisa lang na tao? Possible ba iyon? 

"Greeeeyyyyy!!!!"

"my labsss gwapoo mo"

Shit! Kahit nandito ako malayo sa maraming tao nasusundan pa ako ng mga babaeng matataas ang ngala ngala sa kasisigaw.

©Headmaster's P.O.V©

Nakaupo ako ngayon sa isang rocking chair na tanaw ko ang field dito sa kwarto ko.

Marami silang ginagawa at masaya naman ang mga estudyante wala silang ka alam alam sa panganib na darating.

May dahilan kaya kailangan niyang protektahan ang Academy dahil sa Mist Forest. At bukod doon may isang prophecy na pinangangambahan ko.

"Kapwa isilang ang dalawang maitim na Kapangyarihan galing sa buwan at araw , ito ang wawasak sa mundo.

Mabuhay ulit ang kadiliman na di mo inaasam na masaksihan. Isa lamang ang maaring makapagpabago sa napipintong digmaan galing sa nakaraan"

At alam ko na nalalapit na ang pagsilang.

Maaring di ko masilayan ang Academy ulit. Peru sa ngayon kailangan ko munang ihanda ang mga bata sa napipintong digmaan para protektahan nila ang sarili nila.

Kung darating man ang pagsilang kailangan kong protektahan sa abot ng aking makakaya ang paaralan na tahanan sa mga tulad namin.

"Alam mo na ata na may nakapasok na manipulator dito sa Academy"-----napalingon ako kay Bolton ang hilig talaga niyang tumagos sa pader. Isang invisibility ang ability niya.

Napatango ako.

"May suspetsa po ba kayo?"

"wala pa Bolton peru kailangan nating malaman kung sino iyon"

"At kailangan din nating malaman kung bakit si Ayana Denoven ang pinupunterya niya"

Napatango na naman ako. Sumangayon ako sa tanong bakit Si Ayana Denoven ang gusto niyang tapusin.

©Scarllet P.O.V.©

Para kaming mga security guard ni Ciedney na nakabantay sa maaring pagbabago ng Mist Forest.  Peru sa loob ng tatlong araw na pagbantay namin dito wala kaming nakita o nararamdamang pagbabago. Di na rin nangyari ang nasaksihan ko noon.

The Support MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon