VOTE♥COMMENT♥ SHARE THIS STORY!♥
*DyosangA: John Kenneth Dela Fuente*
-----
Pagkasok namin sa loob ng University, sobra naming pinipigil ni Jericka na hindi matawa dahil sobrang nakakatawa talaga ang nangyari at ginawa namin kanina.
FLASHBACK:
Papasok na sana kami sa loob ng F.U ng biglang harangan kami ng baston ni Manong guard. "Ayy miss, Bawal tindera dito." Napamaang ako sa sinabi ng guard. Ano? Mukha ba akong tindera?! Sa cute kong to?!
"Mukha ba kaming tindera hah?!" lumapit ako sa guard at tinuro ang mukha ko.
Saglit na tinitigan niya ito. "Oo."
"Kami tindera?! Eh kung i-untog ko ulo mo?!" Bulyaw ko. Hindi pa nagsisimula ang unang araw namin sa university nito, mukhang magiging bad mood na agad ako.
Napatingin ako kay Jericka ng hawiin ako nito at nakapameywang na humarap kay Manong guard. "Excuse me, Manong guard. Estudyante po kami dito! and for your information, hindi ako mukhang tindera! Kung si ate pwede pa noh!!" Binatukan ko siya ng mahina. Akala ko naman ipagtatanggol ako ng batang 'to!
"Aray naman ate!" Kinamot niya ang ulo niya. Sinamaan ko siya ng tingin, nagpiece sign lang siya sa akin.
"Eh sa mukha kayong tindera eh." nagkibit-balikat pa sa amin si manong na para bang yun talaga ang totoo.
"Nako! Ate pigilan mo ako susugudin ko yan!" akmang susugod si Jerricka pero hinila ko ka agad ang braso niya. First day palang namin away agad? Eto talaga! Napakawar freak!
"Huwag mo na patulan! Dahil ako papatol!" susugudin ko na sana kaso hinila naman ni Jericka lalayan ng damit ko hanggang tyan ko lang kasi siya.
"Tama na nga yan ate! Isa ka rin eh!" saway niya. Huminga ako ng malalim at humarap sa guard na gustong-gusto kong hampasin ng bag ko ngayon.
"Haist! Jennyvive Gail Cruz-Collage, Jericka Hail Cruz-Elementary" Gustong-gusto ko na talaga bigwasan ang kumikinang na ulo ng guard na ito.
Tumingin naman sa listahan ng mga estudyante dito sa eskwelahan si Panot este yung guard.
Napatingin ako kakarating lang na babae. Sexy, Maganda,Maputi pero kapos nga lang sa damit. Dumaan ito sa harap ng guard at dire-diretso lang na pumasok. Teka! Bakit hindi hinarang yon?!
"Hoy Panot! Bakit hindi mo hinarang yun? Kami nga hinarang mo eh!" Panot naman talaga siya eh, kumikinang pa ang ulo niya dahil sa sikat ng araw.
"Maganda eh." Sinamaan ko ng tingin si Panot. Ngayon, gustong-gusto ko na talaga siya pukpukin ng kahit anong matigas na bagay. Nakakagigil yung ulo pati mukha! lalo na yung tabis ng dila!
BINABASA MO ANG
Contract with Mr.Cassanova
Teen FictionJohn Kenneth Dela Fuente, the so-called "Mr.Cassanova" of Fuente's University. He believes that every girls is a toy, until he met this girl name, "Jennyvive Gail Cruz" so-called "Ms.Nobody". She's poor but a good heart. Kenneth made a contract that...