CWMC 33: Jake

2.8K 74 6
                                    


VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

--


Jennyvive's POV

Tumatakbo ako palabas ng School ng may humila sa braso ko, humarap ako rito at nasaktan rin ako ng inakala kong siya ang humila sa akin dahil hinabol niya ako. Pero mali. Tangina kasi! Asa ako ng asa!

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Jake.

Ang sakit! Ang tanga ko! Bakit ba kasi ako umaasa na hahabulin niya ako at kakausapin at sasabihin na ayusin na namin ang relasyon namin, kung meron nga ba. Shit! Malamang nandoon parin yun sa Cr, cinocomfort ang malanding Angelie na yun!

Pinilit kong ngumiti pero alam kong ngiwi lang ang kinalabasan nun. "Pagsinabi ko bang okay ako, maniniwala ka?" Umiling siya sa sagot ko.

"Yun naman pala eh! Bakit ka pa nagtatanong?" Mataray na sabi ko.

"Ayaw mo nun? Atleast nagtanong ako kesa naman sabihin ko na 'Diba hindi ka okay! Tama ako diba?' " hindi ko mapigilang mapatawa dahil feel na feel niya talaga mag-salita with hand gestures pa.

"Oh diba nagmukha akong tanga! Pero okay lang yun, basta ba nakangiti at tumatawa kana." Napangiti naman ako sa sinabi niya, tama siya dahil kahit saglit nakalimutan ko yung sakit.

"Tara sama ka sa akin! Kahit na saglit lang makalimutan mo yung sakit!" Nakangiti niyang sagot. Kaya ngumiti ako sa kaniya at tumango. Inakbayan naman niya ako, ginulo ang buhok at tumatawa na umalis kami sa school.


Sa ginawang pag-akbay at paggulo ng buhok ko ni Jake. I felt weird, I felt missing someone, One person that always do that to me. I know this is not John. But who?


Ipinilig ko nalang ang ulo ko at iniwaksi ang isip na yun. Minsan talaga naweweirduhan na ako sa sarili ko.


-


"Park? Anong gagawin natin dito?" Takang tanong ko kay Jake.

"This is the place, where I always remember her." may lumukob na kalungkutan, galit at pagsisi sa mata niya at nagulat ako ng may pumatak na luha galing sa mga mata niya.

"Okay ka lang?" Nagaalala kong tanong. Parang natauhan naman siya at agad na pinunasan ang luha na tumulo at ngumiti sa akin pero alam kong pilit lang iyon. Alam na alam ko pero hindi ko alam kung bakit.

"Oo, tara na nga! Papasiyahin pa kita, remember?" Bumalik na ulit ang masiyahing Jake kaya tumango ako at nagpatinaod sa kaniya.

Habang naglalakad kami ni Jake ay napatingin ako sa tindahan ng Cotton candy.



"Hoy! Asar! Bili mo ko nun!"

"Ano ka siniswerte? Ayoko nga."

"Dali na Asar!"

"Ayoko, tara na taba!"

"Kuya! Bili mo na ako!"

"Haist! Sige na nga!"

"Yehey! Thankyou kuya!"

"Che! Tatawagin mo lang akong kuya kapag may kailangan ka!"

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon