Medyo naluha ako sa Chapter na 'to habang sinusulat ko!
VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥
---
Jennyvive's POV
After 3 days...
"Class tutal tapos na tayo sa ating lesson at maaga pa, may naisip akong Activity ngayon"
Kanina pa ikot ng ikot yung mata ko kay Ms.Brazas.
Paano ba naman, hindi nalang kami palabasin may nalalaman pang-Activity psh!
Gusto ko ng lumabas, umiinit lang ang dugo ko sa katabi ko baka hindi ko mapigilan at masampal ko 'to eh!
"Ito ay tinatawag na 'War of Love' kung saan magkalaban ang lalaki sa babae, so girls dito kayo sa aking kaliwa at boys dun naman kayo sa kanan" Sinunod namin ang sinabi ni Ms.Brazas, ano nanaman bang kaekekan 'to?!
"Ngayon humanap kayo ng Representative niyo, at siya ang lalaban sa activity na 'to, kailangan ang piliin niyo ay matalino dapat rin ay magpaka-Hugutera!"
Tumayo ang Vice President namin, babae siya. Sunny Vegas ang kaniyang pangalan.
"Sino gusto niyo maging Representative?" Maraming nagtaas ng kamay, ang ingay!
"Maraming gusto pero ganito nalang, mag-nominate tayo hanggang tatlo lang ang tatawagin ko then sabihin niyo yung inonominate niyo, okay?" Tumango sila pero ako nakahalukipkip lang. Tinatamad na ako!
May isang tinawag si Sunny. "I Nominate Angelie." Sabi ng isa sa kaibigan ni Angelie. Psh malalandi!
Tumayo si Angelie pero bago iyon ay nginitian niya ako, nagulat ako dahil..dahil hindi 'yon peke o mapang-asar na ngiti, totoo yon! Totoo! Pero bakit?..ARGH!
Pagkapunta niya sa harap ay nagtawag ulit si Sunny, "I Nominate Cass" at tumayo ang babae na tinawag. Cass pala pangalan nung laging tahimik sa classroom namin!
Tahimik na pumunta si Cass sa harap katabi ni Angelie. "Okay last one!" Nakangiting sabi ni Sunny.
"I nominate Jennyvive!" Nanlaki ang mata ko ng tawagin ako ni Romina. Medyo close ko siya dito, medyo lang ah! Feeling close kasi 'yang mahaba na baba na yan eh! Kaya pinagbigyan ko na! Alam niyo naman yung mga katulad kong cute! Mababait!
Sinamaan ko ng tingin si Romina pero nag-'piece sign' lang siya sa akin. Bored akong pumunta sa harap.
"Okay, who want's Angelie to be Representative?" Tanong ni Sunny, marami-rami ring nagtaas ng kamay at binilang niya iyon.
"8" sabi ni Sunny. Taray! Walang comment ngayon si Angelie ah?
"Okay, who want's Cass?" May nagtaas ng kamay at binilang niya iyon.
"6" sabi ni Sunny. Nice! Namern! Si tahimik naka-6 hahaha!
Kung nagtataka kayo kung bakit ganiyan kakonti dahil 49 lang kaming lahat. 22 ang boys at 26 ang girls.
"Last, who want's Jennyvive?" Umupo ako sa isang bakanteng upuan na nasa likod ni Sunny at pumikit, naantok ako sa kalokohan na 'to!
Ilan kaya ako? Hindi ko narinig eh, hayaan na. Inaantok na ako eh. "Okay, our representative is...JENNYVIVE!" napatayo ako ng wala sa oras. Kagulat!
BINABASA MO ANG
Contract with Mr.Cassanova
Teen FictionJohn Kenneth Dela Fuente, the so-called "Mr.Cassanova" of Fuente's University. He believes that every girls is a toy, until he met this girl name, "Jennyvive Gail Cruz" so-called "Ms.Nobody". She's poor but a good heart. Kenneth made a contract that...