CWMC 15: Realization

3.4K 92 6
                                    


VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

-----



Jennyvive's POV


Pagkatapos ng pangyayari na yun ay agad akong lumabas ng School at tumambay muna sa park 'para makapag-muni-muni muna. 


'Ano nanyari? bakit ganun siya?' yan yung tanong na bumabagabag sa akin kanina pa.


Wala naman akong ginawang masama diba? pero bakit ganun siya? pero.....bat kailangan kong umiyak?


'Mahal ko na ba siya?' bigla akong napatigil sa naisip ko. NO NO! bawal contract lamang ito pero ansakit sakit talaga kasi para 'akong tinusok ng ilang libong karayom sa puso ng makita ko siyang ka-akbay ang iba. 

Nagpalipas muna ako para hindi mahalata nila Jericka na umiyak ako 'pagkalipas ng ilang minuto ay napag-desisyunan ko ng umuwi.



----


Pag-pasok 'ko sa kwarto nakita ko sila Riri at Mimi na kalaro si jericka.

Naramdaman yata nila ang presensiya ko kaya agad silang napa-tingin sa direksyon ko "Hi Vivi!!" Masayang bati sa akin ni Mimi.

"Hi chaka kong ateee!!" Masaya ring bati ni Jericka.

Napatingin naman ako kay Riri. Yung mga titig niya sa akin na parang sinusuri talaga ako. Agad akong umiwas ng tingin pero alam ko....alam na niya na.......umiyak ako.

"Bakit Vivi? Spill it." Seryosong sabi niya 'sila Mimi at Jericka naman naguguluhan na tumingin sa akin dahil sa tanong ni Riri.

"Anong bakit Vivi?" Naguguluhang tanong ni Mimi.

"Ah..eh.. wala to! Hahahaha Nakapanood kasi ako kanina ng palabas....Oo tama! Palabas sa ano....sa Sinehan! Nakakaiyak nga eh .... kasi nakita nung babae yung boyfriend niya na may kasamang iba" mahabang sabi ko.

'Sinema ba talaga o sayo?' Sabi ng maliit na boses sa isip ko.

"Jericka pwede bang lumabas ka muna? Oh eto 50.00 bili ka muna ng kahit ano sa labas. Pwede ba?" seryosong tanong ni Riri/Cyril.


Tumango naman si Jericka "Sige po" pagkasabi niya nun 'lumabas na rin siya.

Ngayon kaming tatlo na lang, lumapit ako sa kanila at umupo sa kama. "Bat umiyak ka? Anong nanyari? Hindi mo kami maloloko sa kasinungalingan mo!!" Seryosong sabi ni Riri.

Umiwas ulit ako ng tingin hindi ko kayang salubungin ang mga titig nila."Hindi naman ako umiyak eh" naka-yuko kong sabi.

"Sige i-deny mo pa. Kitang-kita ng namumula mata mo oh!" Sabi ni Mimi at tinuro ang mga mata ko.

"Hahaha ano ba kayo! Ang o-oa niyo! Wala to" sabi ko.

Sinamaan naman nila ako ng tingin 'napabuntong-hininga nalang ako 'alam ko naman na hindi nila to papalampasin eh.

"Oo na, oo na" pasuko kong sabi.

"Oh bakit nga? Vivi kilala mo 'ko malalaman at malalaman 'ko parin yan kahit hindi mo sabihin 'kaya sabihin mo na agad bago pa 'ako ang mismong gumawa ng paraan" seryosong sabi ni Riri.

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon