CWMC 53

2.1K 41 1
                                    

Enjoy Reading!

VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

---

Jennyvive's POV

Matapos gamutin namin ni Kenken ang isa't-isa ay pumunta na kami sa Principal Office.

Habang papunta kami doon ay nakayuko lamang ako. Ayaw ko tignan ang mga titig sa akin ng mga estudyante. Disgusto. Galit. Awa.

Ngunit hindi nagpaapekto si Kenken. Bagkus ay hinawakan niya ang aking kamay at inangat ang mukha ko. Napahinto na kami.

"Bakit ka nakayuko?" Tanong niya.

Ibaba ko sana ulit ang tingin ko ng tawagin niya ako.

"Jennyvive." Madiing sabi niya.

Bumuntong-hininga ako, naiinis na siya.

"Tignan mo sila, yung mga--"

"I don't care about them, you should too. They don't know you that's why they easily judge you. But me, I know you the real you. That's the important. Okay?"

Ngumiti ako ng totoo at tumango. Ngumiti rin siya pabalik at nagulat ako ng halikan niya ako sa labi sa harap ng maraming tao. Nakarinig ako ng maraming nagulat, nagsinghapan at tumili.

Lalong lumaki ang ngiti niya ng makita kung paano ako nagulat sa ginawa niya. Inakbayan niya ako at nagsimula na kaming maglakad.

"You're blushing, pfft. Damn so cute." Bulong niya

Lalo akong nahiya ng maramdamang lalong uminit ang pisngi ko. Peste ka Kenken!

Malapit na kami sa Principal office ng makita na makakasabay din naming papasok ang grupo nila Gigi.

Napahinto sila ng makitang kasama ko si Kenken. As usual, natulala ang mga kaibigan niya kay Kenken lalo na si Gigi.

Napayukom ako ng kamao. Ang mga malalandi!!

"Kenken."

Humarap naman ito sa akin. "Why baby?"

Sumenyas ako na may ibubulong kaya kahit nagtataka ay yumuko siya ng kaunti para maabot ko siya.

Nang nakayuko na siya ay hinapit ko bigla ang batok niya at hinalikan sa labi, hindi sa harap ng mga tao kundi sa harap ng mga....malalandi

Tutugon na sana si Kenken sa halik ko ng bitawan ko siya. Kunot-noong tinignan niya ako ngunit nginitian ko lang siya ng matamis. Bitin!

Kinawit ko ang braso ko sa braso niya at humilig dito. "I love you so much, Kenken."

"I love you too." Nakangiti nitong sabi sa akin.

Pasimple kong tinignan sila Gigi at halos matawa ako sa nakitang reaksyon nilang lahat. Gulat. Hindi makapaniwala.

Akala siguro nila, masisira na agad ang relasyon namin ni Kenken pero hindi, dahil hindi kami basta-basta masisira ng mga walang kwentang tao.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at padabog na pagsara nito. Natawa ako ng malakas.

"Baby?"

Nginitian ko lang ulit si Kenken na walang kamalay-malay sa nangyari. Umiling lang ako.

"Let's go?" Tumango naman siya at pumasok na kami sa Prinicipal office.

Pagkapasok namin ay nakita na namin agad ang grupo nila Heil na nakaupo sa malawak na sofa habang ang grupo nila Gigi ay sa katapat nitong sofa.

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon