CWMC 45

2.5K 55 7
                                    

VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥


Jennyvive's POV

Masaya akong naglalakad sa hallway. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Hindi ko alam pero simula ng matapos ang nangyari sa theater at ng maging kami ni Kenken parang lahat ng problema ko ay ang dali nalang solusyonan.

At dahil rin sa nangyari sa theater, mas marami ng nakakakilala dito sa akin sa School halos lahat ata ng estudyante dito ay binati na ako pagpasok ko palang sa gate.

"Hi Ate Jennyvive!" Napatingin ako sa batang lalaking papalapit sa akin. Kinder siguro 'to pero sa ibang school ata.

Umupo ako para mapantayan siya. "Hi Baby boy! Bakit?"

Ang isa niyang kamay ay nakatago sa likod niya. "Ano yung hawak mo baby boy?"

Parang nahihiya siya pero maya-maya rin ay pinakita niya ang hawak niya..isang rosas

"For you Ate Jennyvive!" Hiya siyang ngumiti sa akin. Ang cute!

"Oh! Thank you baby boy!"

"Ate Jennyvive! Wag mo sabihin na ako nag bigay niyan ah?"

"Bakit naman?" Lumapit siya sa akin.

"Pinitas ko lang yan sa garden sa likod ng room namin! Bawal kasi pumitas dun kaya wag ka ingay ah?" Ngumiti siya sa akin at lumabas dimple niya. Ang cute talaga!

"Oh sige! Mangangako si Ate..pero wag mo na ulit uulitin 'yun ah? Bad yun!" Tumango-tango naman siya sa akin.

"Eh kasi po..nung nanood kami sa titer nakita kita doon po. Tapos sabi ko kay Mommy na ang ganda-ganda mo! Tas sabi ni Mommy sa akin na Collage ka na daw at sinabi niyang sa building na 'yun ka nagaaral kaya iantay kita dito para mabigay ko sayo 'to!" Tumawa pa siya ng mahina.

"Halika nga dito baby boy!" Lumapit siya sa akin kaya niyakap ko siya ng mahigpit pagkatapos ay kinurot ko ng mahina ang pisngi niya.

"Ang cute cute moo!"

"Hindi po ako cute. Pogi po ako!" Tumaas-baba pa ang kilay niya kaya natawa ako ng mahina.

"Anak!" Napatingin ako sa babaeng papalapit sa amin.

Kumamot naman sa batok si Baby boy at muling bumulong sa akin. "Mommy's here. She ruin the moment!"

Tumawa naman ako at tumayo na ng nakalapit na sa amin ang babae. "Come here anak!"

Lumapit naman dito si Baby boy at binuhat ito ng Mommy niya. "Mommy! I met my crush!!"

Tumingin sa akin ang Mommy ni baby Boy at ngumiti sa akin. "Ikaw si Jennyvive diba? Yung gumanap na Jessica?"

"Opo..ako po 'yun."

"Sensiya na sa anak ko hah? Gandang-ganda kasi siya sayo nung nanood kami sa theater. Isa kasi sa mga Judges yung daddy niya kaya nakapasok kami. Gustong-gusto ka nito makita kaya dumalaw siya dito sa school..kinabahan ako ng biglang nawala buti nalang nakita ko ka agad."

"Ay naku! Okay lang po! Ang cute nga po 'tong anak niyo eh!"

"I'm pogi not cute ate!" Nag pout pa si Baby boy. Natawa kami ng mahina ng Mommy niya.

"Mommy can you baba me? I'm want to kiss Ate! Pleaseee?" Nag puppy eyes pa si Baby boy sa Mommy niya.

"Sure baby but in cheeks lang okay?" Masaya namang tumango si Baby boy at pagkababa sa kaniya ng Mommy niya ay agad siyang pumunta sa akin.

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon