Advance happy new year! Ingat mamaya, baka maputukan lumaki pa ang iyong tiyan! CHAROT.
VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥
Jennyvive's POV
Nang makababa kami ng Jeep ni Jericka ay dali-dali kaming tumakbo papasok sa bahay nila Chang at alam ko na ang dadatnan namin...
"BAKIT NGAYON LANG KAYO?!" sabi na eh.
I sigh. "Sorry Chang, may inasikaso lang akong project sa School, sinabay ko na 'tong si Jericka umuwi."
Lalo namang namula sa galit si Chang. "Mas inuuna mo pa ang pag-aaral na 'yan kesa sa pagbabantay ng karinderya hah?!"
Napayuko naman ako, gustong-gusto kong sumagot pero hindi dapat dahil mas mahalaga ang buhay namin ng kapatid ko
"Sorry Chang kailangan na kasi---"
"WALA AKONG PAKE!! DAPAT HINDI NA KAYO NAG-AARAL EH!! TIGNAN NIYO HINDI NA KAYO NAKAKATULONG SA KARINDERYA!!"
Again, hindi ako sumagot. Magsasalit sana si Jericka ng takpan ko ang bunganga niya, tumingin siya sa akin ng galit pero umiling lang ako, tumango siya kaya tinanggal ko na ang kamay niya
"Chang, pasensiya na kailangan naming mag-aral--"
"WALA AKONG PAKE! YUNG ANAK KO DAPAT KASAMA NA NIYA ANG KABARKADA NIYA NA NGAYON PERO ETO! NAGBABANTAY NG KARINDERYA!!!"
"Pasensiya na talaga Chang---"
"ANONG PASENSIYA?! HAH!? DAPAT NAGSASAYA ANG ANAK KO NGAYON PERO TIGNAN MO!! BADTRIP NA DAHIL NAGBABANTAY SA KARINDERYA!!"
"Eh kailangan namin mag-aral---"
"ABA SUMASAGOT KA PA!!" Binato niya ang platong nasa harap niya, hindi agad ako nakailag kaya tumama sa noo ko.
Yumuko agad ako, tiniis ang sobrang sakit na nararamdaman ko dahil sa binato niya. Ang sakit sobra! Narinig ko pa ang pagkabasag ng plato na inihagis ni Chang sa akin.
"UMALIS KAYO SA HARAPAN KO BAKA MASAMPAL KO LANG KAYO!!" pagkasabi nun ni Chang ay agad kong hinila si Jericka papunta sa kwarto namin.
Pagka pasok namin ay agad kong ni-lock ang pinto at umupo sa kama.
"A-Ate.." napatingin ako kay Jericka na halos paiyak ng nakatingin sa akin.
"B-bakit?" Nauutal kong tanong. Umiikot yung paningin ko!
"Y-yung noo mo.." nanginginig niyang itinuro ang noo ko.
Napahawak ako sa noo ko may nahawakan akong parang tubig, pagkatingin ko dito ay dugo, napakaraming dugo!
"Please pooo! Tigilan niyo na po 'yan!"
"Nasasaktan na po ang--please poo!!"
"Tama na po! Parang awa niyo naaa!!"
"TAMA NAAAAAAA POOO!!"
"Tama na..please" ang daming pangyayari na nakikita ako...ang daming dugong nakapaligid.
"A-ate! Anong nangyayari sayo?!"
Ang daming dugo...ang sakit sakit! Ang daming dugo!
"Ate please! Ano bang nangyayari sayo?! Ate umiiyak na ako 'oh!"
BINABASA MO ANG
Contract with Mr.Cassanova
Teen FictionJohn Kenneth Dela Fuente, the so-called "Mr.Cassanova" of Fuente's University. He believes that every girls is a toy, until he met this girl name, "Jennyvive Gail Cruz" so-called "Ms.Nobody". She's poor but a good heart. Kenneth made a contract that...