Chapter 25: Preparing (part1)

3.5K 87 7
                                    

VOTE♥ COMMENT♥ SHARE THIS STORY!

-------


Jennyvive's POV



"Chris! Eto yung paint Oh!!"

"Regine ikaw ang magbabantay!"

"Oh! Angel ikaw ang taga-makeup nila okay?"

"Sure!!"

Nandito kami ngayon sa Room nag-sisimula na kaming magayos kahit 3 days pa bago ang Halloween's Booth. Masyado kasi maraming kailangang bilhin, gawin at ayusin kaya agad na namin sinisimulan.

Nag-aasign narin si President ng mga magbabantay, taga-makeup, at gagawing mga multo sa loob ng booth.

Inannounce na rin ng Principal na wala muna daw klase para mas mapaghandaan ang gagawing booth.

Nandito rin si Xander at Justin silang dalawa lang wala ang.....taong mahal ko. Ay! Puta nagdradrama nanaman ako e! (ToT)

Buti nalang talaga at classmate namin sila Xander,Justin at Kenken dahil sila na daw bahala sa gastusin sa Booth namin. Well, Richkid naman sila eh, kaya for sure barya lang sa kanila yan.

Ako naman ay nililista ang mga kakailanganin namin dahil ako lang ang nakakalam kasi ako nakaisip ng booth malamang tsk.


"Jennyvive!"

"Ay Dyosa ni Author!"


(DyosangA: since birth pa)

(Me: Pakyu! Ulul nabigla lang ako!)

(DyosangA: kung hindi na kaya kita pagPOV-in?)

(Me: Charot lang!)

(DyosangA: k dot.)



Pagharap ko ay si Xander pala.."Bakit Xander?" Tanong ko.

"Tapos ka na diyan?" Tanong niya.

"Malapit na bakit?"

"Sabay na tayo mag-lunch ni Justin!"

Tumingin ako sa orasan ng Room at alas-dose na pala hindi ko namalayan.

"Sige, tawagin nalang kita..tuloy mo nalang ginagawa mo"

"Okay" tas bumalik na siya sa paglilipat ng mga upuan sa gilid.

Pagkatapos ng Audition sa The Love of Jessica ay mas naging close kami nila Xander at Justin. Sa iba kong Classmate ay hindi na naging issue yun pero sa mga malalantutay kong Classmate ay napakalaking issue sa kanila yun. Kesho daw pera lang daw ang habol ko kaya ako nakipagkaibigan sa kanila. Iinform ko lang, SILA ang nakipagkaibigan hindi ako no! Maganda kasi ako... *fliphair*




(DyosangA: balitang-balita sa radyong sira, isang bagyo ngayon ang dumating sa Pilipinas at ang pangalan ng bagyo ay Bagyong Jennyvive..)

(Me: Paepal ka talaga DyosangA! Eh sa totoo naman na maganda ako eh!)

(DyosangA: Lalo daw pong lumalakas ang bagyo..)

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon