CWMC 62

2.6K 43 16
                                    

I type this again. 

Most innocent chapter, lol. Enjoy Reading! :)

VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

---

Jennyvive's POV

Lalo kong niyakap ng mahigpit ang katabi ko. Grabe, ang tigas! Kailan ba kami nagkaroon ng teady bear ni Jericka? At matigas pa!

Dinilat ko ang mata ko at napatampal sa noo.

Magkasama pala kami ni Kenken!

Nilibot ko ang tingin, nakahiga na ako sa kama at nasa isang kwarto kami na puro shade ng blue ang kulay.

Nasa resthouse na ba kami?

Tumingin ako sa ibaba. Nakahinga ako ng maluwag, nakauniform parin ako. At nakadamit parin siya. Akala ko naman---aish!

Tinignan ko ang napaka-gwapong katabi ko. Tulog na tulog ito at bahagya pang nakanganga. Pagod nanaman siguro ito sa biyahe. Napangiti na lamang ako, ang pogi-pogi talaga ng boyfriend ko!

Dinampian ko siya ng halik sa labi. Dampi lang dahil baka magising pa siya at sabihing nanantsing ako.

Hindi ba?

Dahan-dahan kong tinanggal ang nakapulupot niyang braso sa akin pati na ang paang nakadantay sa akin. Grabe naman 'to kung makayakap sa akin! Parang mawawala ako!

Tumayo na ako at tumungo sa terrace.

Tumingin ako sa ibaba, hindi ito ang resthouse nila sa Baguio dahil tanda ko ang kwarto ni Kenken at ang nasa paligid nito.

Napahawak ako sa balikat ko, medyo malamig pala dito.

Bumuntong-hininga ako, ayoko ng alalahanin pa pero naalala ko parin ang nangyari kanina.

Yung panglalait sa akin, panghuhusga ng Mommy ni Kenken.

Sobra naman ata yun, wala siyang karapatang husga-husgahan ako dahil hindi naman niya ako lubusang kilala pero a part of me understand her. She's just care for his son. Inaalala lang niya ang kaniyang anak at ayaw niya itong masaktan.

Pero tama rin ba ang ginawa niya? Kasi para sa akin, maling-mali talaga.

Naawa rin ako sa kaniya dahil sa nangyaring sagutan nila ni Kenken. Naiyak siya dahil nasasaktan siya sinasabi ng anak niya. Alam kong konektado 'to sa kwinento sa akin ni Angelie nung huling araw niya dito sa pilipinas, kaya naging ganoon na ang relasyon ni Kenken at Mommy niya.

Pero isa lamang ang tumatak sa isipan ko, sa sinabi ng Mommy ni Kenken.

Kilala na ba talaga Kenken? O baka nagpapanggap lang na lubos na kitang kilala?

Biglang may mga brasong pumulupot sa bewang ko at idinantay ang mukha sa leeg ko.

"Baby, bakit nandito ka? Malamig ah.."

"Wala, nagiisip lang ako. Teka, nasaan ba tayo?"

"Nasa tagaytay tayo, may resthouse rin kami dito."

Tumango ako, kaya rin pala malamig.

"Baby, let's go inside.." bigla akong nakaramdam ng kakaibang init ng maramdamang na dinilaan niya ang tenga ko.

"Baby.." he licked again my earlobe. Napapikit ako dahil sa ginawa niya, lalo na ang kamay niyang lumilibot na rin sa katawan ko.

"Kenken.." mahina kong usal.

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon