CWMC 27: Overnight (part2)

3K 109 11
                                    

Happy 3k reads! ^_^

VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

-----


Jennyvive's POV


Nagstay muna ako dito sa Cr ng ilang minuto at tumingin ulit sa salamin, Hindi na halata na umiyak ako kaya napagpasyahan ko na lumabas sa Cr. Pagdating ko doon ay ganoon parin ang ayos nila pero si Kenken at Angelie ay malayo na ang agwat, well I don't care.

"Jennyvive bat ang tagal mo?" Tanong ni Xander.

"Wala ka na dun" sabi ko. Nanlaki naman ang mata nila at parang amuse na amuse sila sa sagot ko.

"Jennyvive is that you!?" Sabay nilang sagot at tumawa kaya pati rin ako ay natawa.

"Mga ugok!" Tawang-tawa kong sabi sa kanila.

"Tsk. Malandi" bigla kaming napahinto sa pagtawa dahil sa narinig.

"Xander ikaw talaga! Sinasabihan mo pa sarili mo huwag ganon!" Natatawang sabi ko. Pinalakihan ko naman sila ng mata at ninguso si Angelie at agad nilang nakuha ang sinasabi ko.

Bigla namang may lumapit sa akin at pagtingin ko ay si Angelie na halatang galit na galit. "Hindi ako malandi! Wala kang karapatan na sabihin sa akin yan!" Sigaw niya. Kaya napatingin na rin pati ang iba kong kaklase.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "May sinabi ba akong malandi ka?" Mataray kong sabi.

"Oo! Kakasabi mo pa lang kanina!" Puta. Naririndi ako sa boses ng babaeng to. Napakaingay.

Nakita ko naman na nagpipigil ng tawa sila Xander. Tinuloy nalang namin ang paggugupit ng may humila sa buhok ko. "Hindi ako malandi!!" Sigaw niya. Puta sakit nun.

Bigla akong tumayo at tinanggal ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Pagkakuha ko ng braso niya ay hinawakan ko ito ng napakahigpit nakikita ko na napapaaray siya. Sinabi ko naman na ayaw kong magalit dahil delikado pero sinasagad ata nitong malanding ito. Nawala nga si Lyca may pumalit naman sa kaniya. bwisit.

"Ar-ray!! Get off you hands on me!!" Maarteng sigaw niya. Lalo naman akong nangigil at ibinaon ko ang kuko ko sa balat niya.

Dinuro ko siya gamit ang gunting na hawak ko kanina. "Wala kang karapatan na hawakan o hilain ang buhok ko, wala akong sinasabing malandi ka rin. Yang kalandian at kaartehan mo ay ilagay mo sa lugar hah?! Nagtitimpi lang ako sayo at huwag mo kong gagalitin dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo!! Naiintindihan mo?!" Bulong ko habang masamang nakatingin sa kaniya. Nakita ko naman na natakot siya at maraming tango ang ginawa niya. Mukha ng tanga.

"Sagot!!" Diin kong sabi. Hahaha okay okay rin pala minsan na gumanti ako eh.

"Ye-yes" nauutal na sabi niya at halatang natatakot pa rin. Pabalang ko naman siyang binitawan at tinignan ang lahat ng nasa paligid, nanlalaki ang mata nila na nakatingin sa akin. Tsk. Kaya ayoko na nagagalit ako eh.

Napatingin ako sa gawi ni Kenken na ngayon ay matamang nakatingin lang sa akin pero tinarayan ko lang siya at umupo nalang ako at tinuloy ang ginagawa ko.

"Galing mo Jennyvive palaban!" Natatawang sabi ni Xander.

"Idol papicture!" Segunda ni Justin at nagtawanan kami habang patuloy na gumagawa.


****


"Mga bata maghapunan na kayo sa baba, tapos na akong mag-luto" napatingin ako sa nagsalita at nanlaki ang mata ko si.... Lola Si!

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon