CWMC 66: Unexpected Revelation

1.9K 37 0
                                    


VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

--

Jennyvive's POV


  Isang linggo na rin ang nagdaan at masasabi kong kahit papaano ay nawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon sa pagtira ko sa bahay nila Jake.

 Si Jake at Van na nagpapasaya sa akin sa tuwing nag-aasaran at nagbabatukan sila.  Si Jericka na salamat sa diyos at naligtas siya, Siya nalang ang tunay na kapamilya ko sa mundo at hindi ko makakayanan kung mawala pa siya sa akin..

 Matapos ng pagsabi ko kay Mam Geniva ng nangyari sa relasyon namin ni Kenken, hindi niya na muling inungkat yun. Alam niya siguro na ayaw ko ring maungkat pa yun dahil sakit lang ang nadudulot nun sa akin. Hindi niya rin ikwinento kila Jake. Siya nga ang tamang tao na sinandalan ko.. 

 Simula noon, sobrang gaan na ng loob ko sa kaniya. Naiilang parin ako sa kaniya ngunit hindi na katulad nung unang araw na magkita kami. Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian, nagyaya kasi si Mam Geniva este Mom na mag-mall kami, bonding na raw namin. Matagal na rin daw niya kasing hindi nakakabonding sila Jake at Van. Nung una, hindi ako pumayag. Syempre! family time nila iyon eh! Tas ano? Singit ang peg namin? pero hindi kami hinayaan ni Mom na hindi sumama, tinakot niya ulit ako na kung hindi ako papayag ay papalayasin niya kami kaya wala kong nagawa kundi pumayag. 

 "Mommy, bat ang wrong timing mo magyaya? ang init-init kaya! ARAY! KUYA!" mahina akong natawa, binatukan nanaman kasi ni Van si Jake.

 "Huwag ka ng mag-reklamo Jake tsaka first time nating makasama si Jennyvive at Jericka sa bonding natin kaya huwag ka ng mag-inarte diyaan!" Napakamot nalang sa ulo si Jake.

 "Sabi ko nga, hindi ako nagrereklamo. Gustong-gusto ko talagang mag-shopping ngayon dahil sobrang init! FUCK! KUYA!"

 "Jake! your mouth!" saway ni Mam Geniva. 

 "Eh si Kuya! pasikat! psh!" inis na sabi ni Jake. 

 "Van! tigilan mo nga 'yang kapatid mo!" saway din ni Mam Geniva kay Van.

 "Eh ang ingay ng bunganga eh!"

 "Wala kang pake! bunganga ko ito! kung naiingit ka, paingayin mo din bunganga mo!"

 "Ako maiingit? hindi ako maiingit sa bungangang yan na mabahong naman!" 

 "Sinong mabahong hininga? ako? sapakan nalang ano?" tumayo si Jake at tinulak ang balikat ni Van.  

"Oh tara! baka akala mo hindi kita papatulan!" tumayo rin si Van at tinulak din si Jake. 

 "Enough! You two! Sit down!" ma-otoridad na sigaw ni Mam Geniva. Sa tuwing kumakain kami, ganyan palagi ang dalawa kaya nasanay na ako. Hindi naman daw talaga sila nag-aaway, ganyan lang daw sila magpakota ng nararamdaman nila sa isa't-isa. Totoo naman dahil after nila magpakita ng pagmamahalan sa isa't-isa ay makikita mong naghaharutan at nagtatawanan na ang dalawa. 

Umupo naman agad ang dalawa ngunit masama parin ang titig nila sa isa't-isa.. "Ipagpatuloy niyo ang pagkain!" sigaw ulit ni Mam Geniva. Para namang robot gumalaw ang dalawa, halos sabay silang sumubo ngunit masama paring nakatitig sa isa't-isa. Mga baliw nga talaga..

  Matapos naming kumain, umalis na agad si Jake at Van. Pagwapohan daw ang labanan nila ngayon. Dami nilang alam!

 Tumayo ako at ililigpit sana ang mga plato ng magsalita si Mam Geniva. "Sila Manang na ang bahala dyang maglinis, Jennyvive. Magbihis ka na, pinahatid ko na sa kasambahay ang binili kong damit para sa inyo ng kapatid mo--"

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon