Enjoy Reading!
VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥
---
Jennyvive's POV
Limang araw na mula nung pag-alis ni Angelie. At sa totoo lang, miss na miss ko na ang kaabnormalan niya. Yung tatawag siya ng madaling araw minsan, tulog na tulog na ako nun. Tas kapag sinagot ko na yung tawag, titilian niya lang ako sabay patay.
Hayy..wala pang buwan, miss ko na agad 'yon. Paano pa kaya si Kenken na kapatid niya at matagal na niyang kasama sa buhay diba?
"Hoy! Jennyvive! Tulala ka diyan!"
Napatingin ako kila Mimi at Riri sa screen.
Yeah, screen. Dahil nasa New York silang dalawa, nagbabakasyon.
Kavideo chat ko sila through skype. Pinadalhan pa talaga nila ako rito ng pocket wifi para makausap ako, miss na miss na daw kasi nila ako.
Ngumiti ako rito. "Sorry."
"Okay lang! Nga pala..
MERRY CHRISTMAS DIYAN VIVI!!"
Desperas pa lang ng pasko ngayon. Masyadong exicted sila Mimi sa pagbati. Pero kahit desperas na ng pasko hindi ko ramdam, kasi dito sa bahay nila Chang parang normal na araw lang.
Umalis ang dalawang mag-ina, magbabakasyon daw sila dahil magpapasko naman. Kaya ngayon, naiwan kami ni Jericka sa bahay, kami lang.
Mas mabuti naman 'yon kesa makasama sa pasko ang dalawang 'yun! Hindi ko kakayanin promise!
Nagyaya si Kenken na umalis, mamayang 4:00 susunduin niya kami ni Jericka. Doon daw kasi sila ni Grandma magpapasko sa resthouse nila sa baguio, at nasabi ko ring dalawa lang kami ni Jericka rito. Tatlong araw pa bago ang uwi nila Chang kaya niyaya niya akong sumama, pumayag naman ako agad dahil hindi pa ako nakakapunta sa baguio! Kapal fes no? Minsan lang naman eh, hahaha. Tsaka isang araw lang naman kami doon, and This is my chance na maranasan ang lugar na baguio!
"Merry christmas din diyan!! Kamusta yung party?" Bati ko sa dalawa.
1:38 PM, December 24, 2016. sa Pilipinas habang 12:38 AM, December 25, 2016 na sa New York. Kami pasalubong palang sa pasko, sa kanila pasko na talaga.
Kakauwi lang nila galing sa party na ginanap sa bahay ng kamag-anak nila.
"Ayun! Sobrang saya! Kumpleto kaming lahat na pamilya doon, Vivi! Grabe! Yung mga malalayo naming pinsan nandoon rin. Kahit first time lang namin mameet yung iba naming pinsan, feel ko tuloy sobrang magkakaclose na kami! As in--"
Nakita ko ang pagsiko ni Riri kay Mimi na tuwang-tuwa sa pagkwekwento sa akin.
Tinignan ni Riri ito ng makahuluguhan, nawala ang ngiti sa labi ni Mimi. Tumingin ito sa akin mula sa screen, may lungkot sa mga mata nito.
"I'm sorry, Vivi. I didn't mean it--"
"No, okay lang Mimi. Ano ka ba! Masaya nga ako dahil alam kong masaya kayo diyan eh!" Pilit akong ngumiti sa kanila, kahit sa loob-loob ko, sobra talaga akong nalulungkot dahil sila. May pamilya na, may mga kamag-anak pa. Eh ako? Kami ni Jericka? Ni isang kamag-anak nga wala kami kilala. Si Chang? Hindi ko nga alam kung kamag-anak talaga namin 'yan kasi alam ko walang kamag-anak ang ganiyang magtrato sa kamag-anak nito.
"Vivi, umiiyak ka." Malungkot na saad ni Riri.
Agad kong pinunasan ang luha kong tumulo na pala.
BINABASA MO ANG
Contract with Mr.Cassanova
Teen FictionJohn Kenneth Dela Fuente, the so-called "Mr.Cassanova" of Fuente's University. He believes that every girls is a toy, until he met this girl name, "Jennyvive Gail Cruz" so-called "Ms.Nobody". She's poor but a good heart. Kenneth made a contract that...