CWMC 28: Fear Puzzle's Booth

3.8K 83 11
                                    

Long update 'pangbawi! Enjoy Reading! :)

Dedicated to his! tulad ng sabi ko :) thankyou sa pagsupport!

VOTE♥COMMENT♥ SHARE THIS STORY!♥

----



Jennyvive's POV


November 1, 2016


Ngayong araw na gaganapin ang Halloween's booth dapat ay wala kaming pasok pero dahil sa kakaiba nga ang F.U tulad ng sabi ko dati kaya may pasok kami.

Kasama ko sila Xander at Justin, lagi ko naman silang kasama na dahil ang dalawa kong Bestfriend na maland---ay! si Mimi lang pala, ay hindi parin nagpaparamdam mula nung patulugin ko sa kanila si Jericka dahil mag-oovernight kami kila Kenken.. and speaking of Kenken namumula nanaman ako pag naalala ko yung nangyari SHET! ...





Ang sarap matulog ngayon na may kayakap kang malambot na unan! Niyakap ko pa ng mas mahigpit ang unan ko grabe ang bango pa! lalo ko pang isiniksik ang mukha ko sa unan pero kumunot ang noo ko ng may mahawakan akong matigas, kinapa-kapa ko pa pero lalo lang akong nagtaka, bakit may nahahawakan ako matigas tas bako-bako na umbok tas sando tas..... 0_0 -_-

Siguro sadyang matigas lang talaga ang unan ko. Niyakap ko nalang ito ng napakahigpit.

"Baby nasasarapan ka naman ata kakayakap sa akin" may bumulong sa tenga ko teka! Bakit parang Pamilyar?

"Baby"

Teka! Pamilyar talaga ang boses na yun! Dinilat ko ang mata ko at 0______0 nanlaki ang mata ko ng saktong pagdilat ko ay ang malapit na mukha ni Kenken na may malawak na ngiti sa labi habang nakatingin sa akin ang nakita ko Shit! kunting galaw ko lang ay magdidikit na ang mga labi namin.

"Baby? Masarap ba ang naging tulog mo?" Nakangisi niyang tanong. Tumaas lahat balahibo ko ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa leeg ko. P*TA! Lalong nanlaki ang mata ko ng maramdaman ang kamay niya sa bewang ko at paghaplos dito.

Agad akong tumayo at pinaghahampas siya ng unan. "Rapist! Rapist! Arghhhhh!" Inis na sabi ko habang patuloy na pinagpapalo-palo siya.

"Hahaha--aww! Hey stop baby---oucch! Hahahaha---stop--AW!" Sabi niya habang umiiwas sa mga hampas ko. Nahawakan niya ang dalawa kong kamay at hinila kaya ang kinalabasan.....



Nakahiga ako sa kama habang nasa ibabaw ko siya.

"I said stop" seryoso niyang sabi.

"Anong Rapist pinagsasabi mo? Baka nakakalimutan mo, wala kang matutulugan kagabi kaya dito ka natulog dahil wala kang choice at takot na takot ka kaya kita niyakap, so anong pangrarape ang pinagsasabi mo hah?"

"Tsaka kanina nga halos himasin mo na ang abs ko at ang higpit pa ng yakap mo sa akin tas ako pa talaga ang sinabihan at pinagbibintangan mong rapist? Eh ikaw nga tong may pagnanasa pala sa akin" ang kaninang seryoso niyang mukha ay napalitan na ng nakangising mukha.

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon