CWMC 48

2.4K 37 13
                                    

Before you read this chapter. Kapag Jennyvive's POV that means present, and kapag John Kenneth's POV that means throwback. okay? paalala lang! para hindi maguluhan!

VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

Jennyvive's POV

Nakatulalang nakatingin ako sa dalawa.

Literal na hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi maabsorb ng utak ko ang sinabi ni Kenken..

Magkapatid sila? Ng malanding Angelie na 'yan?

"How.."

"Baby.." lumapit sa akin si Kenken at tumabi sa akin sa sofa.

"H-how?"

"Ate, can you please leave us alone?"

Napatingin ako kay Angelie tumango ito. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Matapos ay umalis na ito.

"Baby.." nalipat na ulit ang tingin ko kay Kenken.

"T-totoo? M-magkapatid k-kayo?"

Tumango siya sa akin. "Yes b-baby.."

Sinampal ko siya ng malakas. Tumabingi ang mukha niya at narinig kong mahina siyang nagmura bago hinawakan ang pisngi na sinampal ko.

Tumingin siya sa akin ng may pagtataka. "What's that for bab--"

Hinila ko ang buhok niya ng malakas kaya naman napasigaw rin siya ng malakas.

"Ouch baby!! Ouch!! Stop that!!--fuckk!"

"What's that for, what's that for ka pa diyan?! Puta ka!! Halos ilang buwan akong nagtiis sa Angelie na 'yan dahil sa kalandian niya! Tapos malalaman ko na kapatid mo pala siya?! Peste ka talaga Kenken! Arghhh!!" Inis na inis kong sabi.

Nakagigil!

"Baby--ouch--Let me explain please??--ouch!!"

Hinila ko pa ng isang beses ang buhok niya bago binitawan ito.

I crossed my arms and look at him. "You have 30 minutes to Explain NOW!!"

"Baby..mahaba-habang istorya 'to--"

"Time is running!!"

Huminga muna siya ng malalim bago tumango.

"Tunay ko talagang kapatid si Angelie, matanda siya sa akin ng tatlong taon at isa na siyang model sa America..nagbakasyon lang siya dito.."

Napataas naman ako ng kilay. "Model na siya sa America? So that's mean graduate na siya?!"

Tumango si Kenken.

"Graduate?! Eh bakit siya naging kaklase natin?!"

Naging seryoso si Kenken bigla. May nakita akong galit sa mga mata niya na agad rin namang nawala. Para saan 'yun?

"Hindi naman talaga dapat magiging kaklase natin noon si Ate kaso dahil sa isang pangyayari, ginawa niya yun! Dapat talaga nakaraang buwan pa siya bumalik sa America dahil may nakaoffer ng modeling sa kaniya kaso nireject niya yun dahil mas gusto niyang matulungan muna ako.."

Napaayos ako ng upo. "Pangyayari? Tulong? Ano bang nangyari? At hindi mo naman sinabi sa buong school na magkapatid kayo!!"

"Si Ate na ang nagsabi na huwag ko sabihin dahil.."

"Dahil?" Atat kong tanong.

Huminga siya ng malalim. Tumingin sa akin ng seryoso at nagsimula ng magkwento..

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon