CWMC 44: Favorite place

2.6K 62 8
                                    

Here's your dedicate bebe! :*

Wag mag expect ng kiligan mode okay? HAHAHAH! bitter ngayon si Author guys! sarreh! bawi ako promise!

VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

--


Jennyvive's POV

After the passionate kiss. Lumayo ng kaunti si John. Tinitigan niya ako at hinawakan sa pisngi. 

"Damn..."

"Huh?"

"Nothing."

Patuloy parin sa pag hiyawan ang mga tao. napatingin ako sa mga judges nakangiti sila sa akin. tumingin rin ako sa mga teacher's nakangiti sila sa akin at si Mrs.Pukishian ay nginitian rin ako pero nang nakita na nakatingin ako sa kaniya ay sumimangot at nagiwas ng tingin sa akin. 

Tumingin ako sa pinakagilid ng theater nakita ko doon si Mark na todo palakpak sa akin at kinawayan pa ako matapos ay kumaway sa akin at umalis na sa pwesto doon.

Nahagip ko ng tingin ang nasa dulo ng theater may babae doon na nakatayo at alam kong nakatingin siya sa akin...nakangiti siya. sobrang pamilyar ng mukha niya sa akin, pero di ko maalala kung saan ko siya nakita. 

"Baby.."

Tumingin ako kay John at muli akong tumingin sa dulo ng theater pero pagtingin ko ay wala na doon ang babae.

Napatingin ako kay John ng  hawakan niya ang kamay ko at pinagsaklop ito. Hihilain niya sana ako ng tanggalin ko ang kamay niya. Humarap siya sa akin na may pagtataka sa mukha.

"Where are we going?" Tanong ko.

Hinawakan niya muli ang kamay ko at pinagsaklop ang aming kamay ng hindi siya nakuntento ay hinapit niya pa ako sa bewang "I want to be alone with...you"

Bago pa ako makapag salita ay hinila na talaga niya ako ng tuluyan palabas ng theater.

Pagkalabas namin. Nagtaka ako ng hinahatak ako ni John papunta sa labasan ng School.

Pagkarating namin sa bandang labasan ay nakita pa namin sila Xander at Justin.

Napatingin sila sa amin. Maya-maya ay bumaba ang kanilang tingin sa kamay naming magkahawak.

Nang inangat ang paningin nila ay nakangisi sila bumaling sa amin. "Kailangan niyo ng condom pare?!" Sigaw ni Xander dahil patuloy parin sa paglakad-takbo si John kaya pati ako ay nadadala rin dahil magkahawak kami ng kamay.

Humarap sa likod si John at sinamaan ng tingin ang dalawa. "Fuck you! Shut up!"

Bago kami makalayo sa dalawa ay rinig ko pa ang malakas nilang tawa.

Napailing nalang ako. Mga abnormal talaga!

Nagtaka ako ng biglang huminto sa paghila sa akin si John.

May kinuha siya sa bulsa niya. Isang blindfold! Lalo pa akong nagtaka.

"Aanhin mo 'yan?" Tanong ko.

Pumunta siya sa likod ko. Inilagay niya sa akin ang blindfold.

"May gusto ako ipakita sayo.." bulong niya sa tenga ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad.

PATULOY parin kami sa paglalakad, ang layo naman ng pupuntahan namin. Napapagod na ako!

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon