Ginanahan ako magupdate kaya eto mahaba-habang update nagawa ko! :)
VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥
--------
"Be your girlfriend for 7months" sabi ko. Nakita ko ang pagngisi ni Kenken sa sinabi ko. Napalunok ako ng ilapit nito ang mukha sa akin.
"Good desicion baby!" bulong niya sa akin at kumindat.
Bakit nakaramdam ako ng kilig? Aish! Wala 'to!
"Follow me.." sabi niya at nagsimula ng maglakad.
Huh? May klase pa kami ah?
"Wait!" Pigil ko sa kanya. Napatigil naman siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"Bakit?"
"Diba may klase pa tayo?" Tanong ko. Natawa naman siya sa tanong ko. Lah? Nag-joke ba ko? Baliw ata 'to. Tsktsk!
Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko. "Wala yan, tara na."
Ano ba 'to?! Ang bilis ng puso ko. juskoday! Parang gusto ng lumabas ng puso ko sa sobrang bilis tumibok. Hindi kaya may sakit na ako sa puso? Kailangan kong magpa-doctor pero wala nga kong pambili ng ballpen ni Jericka tas magpapa-doctor pa ba ko?
Pumasok kami sa isang building na hindi pamilyar sa akin. Medyo malayo ito sa mga bulding doon sa university. Dire-diretso lamang ang lakad namin ni Kenken, may kung saan siya liliko at didiretso ulit. Hinayaan ko nalang hanggang sa huminto kami sa isang pinto at pumasok doon.
Napatingin ako sa pinasukan naming isang kwarto? Or should I say bahay? Sa laki ba naman at may taas pa. Kailan pa nagkaroon ng ganito sa university? Wow!
Tumingin ako sa sahig kung gaano ka-ganda pero yung magkahawak naming kamay ni kenken ang nakita ko.
Lahhh! Ang bilis nanaman ng tibok! Ghadddd?! Whats this?!
Kinalabit ko si Kenken. "Kenken.." Ramdam ko ang pagtigil niya ng banggitin ko iyon. May problema ba sa Kenken?
Napatingin siya sakin. Nginuso ko naman yung kamay namin pero laking gulat ko sa sinabi nya.....
"You want a kiss baby? Too fast hindi pa tayo official." sabi nya na naiiling with ngisi pa. Gago! Assuming dre?! Binatukan ko nga. Oops! Napalakas ata.
Masama niya kong tinignan. "What's that for?!"
Napataas naman ako ng kilay. "Hoy! Kenken yung kamay natin yung nginunguso ko. Anong i want kiss pinagsasabi mo?! fuck you! Assuming amp!" Mataray na sabi ko.
Napatingin naman siya sa kamay ko tas sa akin tinaasan ko naman siya ng kilay na nagsasabi ng nasasarapan-ka-naman-sa-kamay-ko-bitawan-mo-na look.
Agad naman niyang hiniwalay ang kamay niya at dire-diretso ng umupo sa upuan. Seryoso niya akong tinignan. Naku! palusot pa! ano pahiya dre?! Buti nga!
"Come here.." Tawag niya. Agad naman akong lumapit sa kinaroroonan niya. Nakatayo ako sa harap niya ng may ibigay siyang papel sa akin.
"Para saan 'to?"
"Basahin mo para malaman mo wag kang tanga!" masungit na sabi niya. If i know tinatago nya lang yung hiya niya!
Hindi ko nalang siya pinansin. Kinuha ko ang papel at binuklat, sinimulan kong basahin iyon..
BINABASA MO ANG
Contract with Mr.Cassanova
Teen FictionJohn Kenneth Dela Fuente, the so-called "Mr.Cassanova" of Fuente's University. He believes that every girls is a toy, until he met this girl name, "Jennyvive Gail Cruz" so-called "Ms.Nobody". She's poor but a good heart. Kenneth made a contract that...