Sorry late update. WARNING! enjoy reading ^_^
VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥
---
Jennyvive's POV
Magkahawak kamay kaming bumaba ni Kenken, papunta sa hapagkainan.
Pagkarating namin doon ay nakita kong kumakain si Jericka na akala mo ilang taong hindi nakakain, sa bagay minsan lang ito makakain ng masasarap na pagkain, karamihan kasi sa pinapakain sa amin ni Chang ay ang tira na ulam na tinda sa karinderya.
Nandoon din si Angelie na naglalagay ng pagkain sa platito ni Jericka. Parehas silang nakangiting pinagmamasdan ni Grandma ang kain na kain na si Jericka.
Dito rin pala natulog sila Xander at Justin. Ngayon ay sabay rin sila ni Jericka na kumakain na.
Nang maramdaman ang presensiya namin ay tumingala ang apat at napatigil rin sa pagkain si Jericka.
Sabay silang lima na napatingin sa kamay naming magkahawak.
Nakita ko sa mukha ni Angelie na nakahinga ito ng maluwag.
Si Justin at Xander naman ay malaki ang ngisi na nakatingin sa akin.
Nakangiti naman sa amin si Grandma. "Oh, kayong dalawa. Sumabay na kayo sa pagkain. Pinauna ko na si Jericka dahil gutom na gutom na ito. Ngunit ang dalawa na 'to ay nakisali na rin."
"Tss, Patay gutom."
"JOHN!" saway rito ni Grandma.
Pasimple ko itong kinurot sa tagiliran.
"Sama mo sa amin pare! Parang walang pinagsamahan!" Kunyaring naiiyak na wika ni Xander.
"Oo nga! H-hindi mo ba alam ang h-hirap n-na nangyari sa -amin?!" Nakisabay rin si Justin.
"Damn you two." Muli ko itong kinurot sa tagiliran.
"Bunganga mo nga!" Bulong ko rito. Umagang-umaga, nagmumura agad.
"Tss."'
Pumunta na rin kami sa lamesa. Pinaghila ako ni Kenken ng upuan, nginitian ko muna ito bago umupo.
Bale ang pwesto namin ay..
-Grandma-
| |
Kenken Xander
| |
Ako Justin
| |
Angelie Jericka
Nagsimula na kaming kumain ng magtanong si Jericka.
"Oh! Ate! Buti maayos kang nakakapaglakad?"
Nagtaka ako sa tanong nito. "Maayos naman talaga ako nakakalakad ah!"
Tumingin saglit si Jericka kay Angelie. Matapos ay muling tumingin sa amin.
"Sabi kasi ni--"
Napatingin kami kay Angelie ng tumayo ito at mabilis na pumunta sa pwesto ni Jericka. Tinakpan nito ang bibig ni Jericka.
Nagpupumiglas si Jericka ngunit mahigpit ang pagkakatakip ng kamay ni Angelie dito. Medyo tumayo si Jericka at siniko si Angelie.
"Ouch!" Daing nito, napahawak ito sa tyan niya na natamaan. Napangiwi ako, alam kong masakit 'yon.
Nabitawan nito si Jericka kaya tumakbo ito papunta sa likod ni Grandma.
Nakita ko itong ngumisi sa kinaroroonan ni Angelie...o ng tatlo?
BINABASA MO ANG
Contract with Mr.Cassanova
Teen FictionJohn Kenneth Dela Fuente, the so-called "Mr.Cassanova" of Fuente's University. He believes that every girls is a toy, until he met this girl name, "Jennyvive Gail Cruz" so-called "Ms.Nobody". She's poor but a good heart. Kenneth made a contract that...