CWMC 5: Decision

4.7K 103 18
                                    


VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

--------


Jennyvive's POV

Alas-syete na ng gabi nang napag-desisyunan ko na umuwi na. Maghapon lang kasi akong nasa sa park. Iniisip ko kung papayag ako sa Offer ni Kenken o hindi.

 Nasa labas na ako ng Karendirya nila Taba ng makita ko ang kapatid ko na nagseserve sa mga customer. Napatampal ako sa noo. Shit! Nakalimutan ko siyang sunduin! pero teka? kung hindi ko siya sinundo, paano siya nakauwi?

Mabilis akong pumasok sa bahay ni Chang at pinuntahan si Jericka.

"Jericka paano ka nakauwi?" Takang tanong ko.

"Ah 'yon ba ate? Ahhhhhh hinatid ako pauwi ni fafa Lukeeeee!" Napangiwi ako sa biglaan niyang pagsigaw. Teka? Fafa luke? the fuck?

"Sinong si Luke na yan hah? at paano ka niya hinatid?" Nakapamewang akong nakaharap dito. Aba! first day palang may kalandian na agad kapatid ko?!

"Alam mo 'te? Ang tanga mo! Malamang sa sasakyan niya, pinasakay niya ako tas tinuro ko yung karendirya ni Taba tapos bumababa na ako. Tsaka Mayaman kaya siya! mabait pa! kanina nga hinalikan niya ako sa leeg eh. Tignan mo oh! May mark." Sabi nya na kinikilig pa. MARK? ANONG MARK?!

"Patingin nga." pinakita niya sa akin at nanlaki ang mata ko sa gulat. Puta! Kiss Mark 'to ah!

Binatukan ko 'to ng malakas. Biglang kumulo ang ulo ko sa nakita. "Hoy Malandi ka! Alam mo ba kung ano 'yan hah?"

"Oo naman ate!  sabi nga niya sa akin tanda daw 'to na friends na kami eh." inosenteng sagot niya.

Napatampal ako sa noo. "BOBO!! Hindi 'yan tanda na friends na kayo. CHIKININI YAN! PARA SA MGA MAGJOJOWA LANG YAN! NAKU!! IKAW TALAGANG BATA KA!!" sigaw ko sabay batok sa kaniya. Kakasabi ko lang sa kaniya kanina na huwag muna lumandi. Tsk!

"Hoy! Hoy! Ano?! Magbabatukan nalang kayo dyan?! Pasalamat nga kayo at Pinakain, Pinatuloy, Pinatulog, Pinalaki at Inaruga ko kayo eh! Kung hindi dahil sa akin baka mga pulubi kayo kaya dapat umayos kayo!!! Magbantay na kayo sa kariderya!!" napatingin kami kay Taba na kakarating lang. Palihim ko 'tong tinarayan. tss, her fucking lines again.

Pinanlakihan ko ng mata si Jericka. Mamaya talaga sakin 'tong bata na 'to! "Opo taba." sabi ko.

"Anong taba?!" Sigaw ulit niya.

"Sabi ko 'tara' hindi 'taba' Halika na Jericka!" sabi ko. Tinarayan niya naman ako at umalis. hmp! Akala mo maganda mukha namang paa!

Tumingin muli ako kay Jericka. "Bunsoy, Huwag ka ulit magpapaganun okay? Like duh! Okay lang naman maging friends kayo pero huwag kang papayag na magpalagay ng kiss bite okay?" Seryoso kong sabi. Tumango naman siya.

"Good." ginulo ko buhok niya. 

"Tara na." yaya ko at tinulungan ko na siya sa mga customers.

**

Tinignan ko ang orasan, alas-onse na pala kaya pala hikab ako ng hikab kanina pa.

"Jericka ako na diyan, pumunta kana sa kwarto este budega." sabi ko. Pagod na rin sya eh. Kahit malandi 'yan, aba! may awa parin ako diyan.

"Hindi na! okay lang ate! Sabay na tayo matulog alam mo naman na hindi ako sanay na hindi ka katabi." sabi niya. Napangiti naman ako kaya hindi ako sumusuko kahit sobrang pahirap na ginagawa ni chang kasi nandyan si Jericka na nagpapalakas at nagpapatatag sa akin. Drama ko puta!

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon