CWMC 16: Clown girl

3.5K 96 4
                                    



VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

------



Jennyvive's POV


"Okay ka na ba jericka?"

"Opo ate, pumasok kana! 2 weeks 'ka ng absent"

"Pero---"

"Okay nga lang 'ako ate! Kaya ko na sarili ko sige na 'pumasok kana"

"(Sigh) oh sige! Basta itext or tawagan mo ko kung masakit ang ulo o katawan mo ok?"

"Text ka d'yan! May cellphone ba ko?"

"Ay oo nga pala! Yung luma ko muna gamitin mo di 'pa naeexpired yung load nun! Nasa cabinet lang kung gagamitin mo"

"Okay ate 'sige na pumasok kana"

"Sige! Paalala ko sayo ah?"

"Oo na! Paulit-ulit ka!! Alis na!"

"Pinapaalahanan lang kita! Sige na bbye"

"Yeh yeh! Bbye Ate kong chaka!"

"F-ck you ka Jericka!"

"Hahahaha labyu te!!"



----


Nasa hallway na ako ngayon naglalakad papunta sa room.

Two weeks akong absent dahil biglaan nalang nagka-sakit si Jericka 'eh siyempre wala naman mag-aalaga sa kanya alangan naman ipa-bantay ko kay TABA yun eh baka lalong lumala sakit ni Jericka dahil sakanya kaya 'umabsent muna ako.

Dapat hindi muna ako papasok ngayon pero mapilit si Jericka 'okay na daw siya kaya eto papasok na 'ako.

Pagka-pasok ko sa room syempre magulo, may naglalaplapan, may nagbabatuhan ng papael, may tahimik, nag-babasa ng wattpad, naka-tingin lang sa bintana etc.

Nung nakita ako ng isang classmate ko na dapat babatuhin ang kaibigan 'niya ng papel bigla nalang 'siyang natahimik tas sunod-sunod na silang napa-tingin sa 'akin yung kaninang naglalaplapan napahinto din.

Yung babae ang gulo-gulo ng buhok at halos lumuwa na ang dibdib habang naka-hawak pa sa mukha ni boy ganun din si boy ang gulo-gulo ng buhok habang naka-ngangang naka-tingin sa akin. Ganun din yung iba naka-nganga.


Ng matauhan sila ay bigla nag-liwanag yung mga mukha nila.

'Anyare? Muntanga lang sila diyan!'


"Gosh! Buti naman pumasok na siya!"

"Thanks god! Ligtas na tayo!"

"Hayss! Salamat wala na siyang bubugbugin"

"Yeh right! Nakakatakot talaga siya!"



Sinong nakakatakot? Sino yung walang bubugbugin? Weird.

Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso nalang sa upuan ko sa dulo kung saan katabi ko si......hays Kenken.

Bigla nanamang kumirot ang puso ko nung maalala ko siya. Matapos mangyari yung sa labas ng locker room hindi na siya nag-text or tumawag manlang sa 'akin tulad ng dati niyang ginagawa.

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon