CWMC 50

2.2K 37 7
                                    


VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

---


Jennyvive's POV

Papasok ako school ay nagsititinginan ang karamihan sa mga estudyante. May pagtataka nila akong tinitignan. Ang iba naman ay binabati ako at nginingitian.

Alam ko, alam ko na nagtataka sila kung bakit tulala akong naglalakad na parang baliw. Bumuntong-hininga nalang ako. Kagabi paguwi ko, habang sinesermunan ako ni Chang ay nakatulala lang ako na nakatingin sa kaniya. Hindi parin kasi talaga mawala sa isip ko yung lalaking nakabangga ko kahapon. Ewan ko ba, palaisipan parin sa aking kung sino siya. Kasi sobrang pamilyar ng mukha niya, pero hindi ko naman maalala kung saan ko siya nakita. kaya hindi rin ako nakatulog sa pag-iisip na 'yon. Halos dalawang oras lang ata ang tulog ko.

"Baby, are you okay?" Bigla akong napatingin kay Kenken. Nag aalalalang nakatingin siya sa akin.

Ngumiti ako at tumango. "Im fine."

Napailing ako. Hindi ko na napakinggan yung lesson ng teacher namin sa harap. Masyado palang napalalim ako ng pagiisip.

Nang magbell na ay agad akong tumayo at inayos ang mga gamit ko.

"Baby, ako na magdala." Ngumiti ako kay Kenken at binigay sa kaniya ang bag ko.

Palabas na kami ng classroom ng tinawag ako ni Angelie. "Jennyvive! Okay ka lang ba? Buong klase, nakatulala ka lang ah!"

Tinignan ko siya. "Ah. Wala yun! May naisip lang ako!"

"Is it a boy, Baby?" Taka akong napatingin kay Kenken. May bahid ng inis ang mukha niya.

Mabilis akong umiling. Tumango naman siya.

Napatingin kami sa dalawang bugok na kung makatawa ay sobrang lakas. "Ingay niyo!"

"Sorry Jennyvivive! Natatawa lang kami kay John! Masyadong seloso! Hahahaha! Hindi naman siya ganiyan!" Natatawang sabi ni Justin.

"Shut up" mariing sabi ni Kenken.

Mukhang wala namang narinig ang dalawa imbis ay mas tumawa pa sila ng malakas. Lalo pa silang tumawa ng malakas sa sinabi ni Xander.

"Oo nga pare! Hindi kami sanay na ganiyan ka! Kung makaselos akala mo mawawala sa kaniya si Jennyvive eh! Di bagay pare promise! Mukha kang tanga--"

"SHUT THE HELL UP!!" Galit na sabi sa kanila ni Kenken.

Napatigil agad sa pagtawa ang dalawa. Napatingin sila sa paligid nakatingin kasi rin ang mga estudyante sa kanila. Napakamot rin sila sa batok. Nahiya siguro. Sila mahihiya? Malayong mangyari yun!


Pagpasok namin sa canteen ay napatingin ang mga estudyante. Normal na sa kanila yun. Pero ako? Hindi. Nakakailang kasi ang sobrang paninitig nila. Hindi lang talaga ako makapaniwala na parang dati lang, ordinaryo lang ako na estudyante na nagaaral dito, ordinaryo nga ba? Eh first day of school, nameet ko na agad si Kenken. Tas ngayon..Magkarelasyon na kami for real.

Umupo kami sa isang table sa canteen.

"Kami na oorder, ano sa inyo?" Tanong ni Justin.

"Ako na magoorder kay Baby" sagot ni Kenken.

"Ako rin. Ako na magoorder sa sarili ko. Lagyan niyo pa ng lason yung pagkain ko eh!" Mataray na sabi ni Angelie.

"Hmp! Arte niyo!" Sabay na sagot ng dalawa at sabay ring nagwalk out papunta sa order-an. Sumunod rin si Angelie.

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon