WARNING! enjoy reading! :)
VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥
---
Jennyvive's POV
Humarap ako kila Mimi na nagaalalang nakatingin sa akin.
"P-paano? Paano nangyari to?"
Niyakap ako agad ni Riri at Mimi.
"Paanong nangyari to Mimi? Riri? Paano? H-hindi.."
Naiiyak na ako. Ngayon ko lang narealize..ako pala ang sinasabihan ng mga grupo na yun ng malandi.
Wala silang alam! Hindi nila alam ang tunay na nangyari!
"Mimi, Riri! Paano nangyari to? Hindi to totoo!" Naiiyak kong saad.
"Shhh..Vivi" alo sa akin ni Riri at Mimi.
"H-hindi..H-hindi..si K-ken Ken" Humiwalay sa akin si Mimi at Riri sa pagkakayap.
Hinawakan ni Riri ang mukha ko. "Shhh..huwag kang umiyak Vivi okay? Alam naming hindi mo 'to magagawa..Okay?"
Napayuko ako. "Bakit ang bilis nilang maniwala sa balita na wala namang katotohanan?" Tumulo ang isang luha sa akin.
Inangat ko ang tingin kila Mimi at Riri. "Bakit? Bakit ang bilis nilang manghusga ng isang tao na hindi naman talaga nila lubusang kilala!! bakit?!"
"A-ate.." napatingin ako kay Jericka. Nakayakap siya sa bewang ko ng mahigpit. Umiiyak si Jericka.
"Gumagawa na kami ng paraan Vivi. Malalaman natin kung sino ang may gawa nito okay?" Ani Mika.
Umiling ako. Hindi mo na kailangang imbestigahan Mimi, dahil kilala ko na kung sino ang may kagagawan nito. Kilalang-kilala ko na.
"Tara na Vivi. Ang dami ng estudyanteng nakatingin sa atin. Doon tayo sa opisina namin." Nagpahila nalang ako kila Mimi at Riri.
Napayuko nalang ako dahil sa mga tingin ng estudyante sa akin. Disgusto. Galit.
"Oopss! At saan kayo pupunta?"
Napahinto sa paghila sa akin sila Riri.
"Gigi get out of our way!" Rinig ko saad ni Riri.
"Bakit naman Cyril? Itatago niyo ang malandi na 'yan?"
Napayukom ako ng kamao. Wala kang alam!
"Dadaan kami Gigi! Umalis ka kung ayaw mong kaladkadin kita!" Rinig kong banta ni Mimi.
"Ngayon pa ba ako matatakot? Ngayong alam na ng lahat kung gaano kalandi ang babaeng--"
"WALA KANG ALAM!" Sigaw ko.
Napatingin naman sa akin si Gigi. Ngumisi ito at tinaasan ako ng kilay.
"Ohhh! Nagsalita na rin ang malandi!" At humalaklak siya kasama ang mga kaibigan niya.
Napatingin ako sa paligid. Nagsitawanan din ang ibang mga estudyante.
Galit kong tinignan si Gigi.
Humawak ito sa dibdib niya. "Omygashh! Nakakatakot ka naman tumingin Jennyvive the slut?" At muli ay humalaklak sila.
"Hindi ako malandi!" Susugurin ko na siya ng pigilan ako nila Mimi.
"Wag Vivi. Lalo pang gugulo." Bulong ni Mimi.
Lumapit sa akin si Gigi. "Sasaktan mo ulit ako? Go!"
Hindi ako nagsalita. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Contract with Mr.Cassanova
Teen FictionJohn Kenneth Dela Fuente, the so-called "Mr.Cassanova" of Fuente's University. He believes that every girls is a toy, until he met this girl name, "Jennyvive Gail Cruz" so-called "Ms.Nobody". She's poor but a good heart. Kenneth made a contract that...