5k words :) enjoy reading!
Dedicated to her! nagcomment parin siya sa mga previous chap. natuwa ako sa kaniya ng very! :)
VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥
Jennyvive's POV
Masaya akong pumasok ngayon sa eskwelehan. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi habang naglalakad ako dahil hanggang ngayon ay naalala ko parin ang ginawa kahapon ni John.
Naging main issue dito sa school ang ginawa sa akin ni John, kaya ito ako medyo naiilang sa mga tingin at ngumingiti sa aking mga estudyante.
Yung mga ibang dating binubully ako, sinasamaan ng tingin, ay mas lumala pa ata ang trato sa akin. Ngayon, kung makatingin sa akin ay parang kriminal ako na maraming pinatay. Hindi ko 'yon pinansin bagkus ay ngitian ko pa sila.
Masyadong maganda ang araw 'ko para sirain nila. At hindi nila masisira yun!
Dumiretso na ako sa building namin. Pagkarating ko sa hagdanan ay may nakaupo doon na isang grupo. Lima sila, tatlong babae at dalawang lalaki.
Nang nakita ako ng isa ay sunod-sunod narin ako tinignan ng mga kasama niya. Sabay silang lahat na ngumiti sa akin, hindi 'yon plastik. It's genuine kaya nginitian ko rin sila pabalik.
Nagsimula na akong umakyat at nilagpasan sila. Napahinto ako ng tinawag ako ng isa sa kanila. Nang dahil rin sa ginawa ni John ay halos lahat ng estudyante ay kilala na ako, pati ang pangalan ko.
"Jennyvive!"
Humarap ako rito at ngumiti. "Bakit?"
Lumapit sila sa aking lima. "Jennyvive gusto lang naming magpakilala! Section 1-C kami! I'm Princess!" Pakilala ng babae na tumawag sa akin.
Humarap naman ako sa iba niya pang kasama ng magpakilala ito. "Marjorie!"
"Felester me! But you can call me Fei!"
"Clyde here!"
"Johnpaul.."
Nakipag shakehand ako sa kanilang lima. "I think, I don't need to say my name right?" Tumango naman sila.
Malamang! Eh tinawag na nga nila ako kanina sa pangalan ko eh!
"May klase pa ako. At baka malate pa ako. Nice to meet you. Princess, Marjorie, Fei, Clyde and Johnpaul!" Ngumiti naman sila sa akin at kumaway.
Pagkatapos 'kong kumaway ay agad rin akong nagmadali dahil baka malate nanaman ako. Ayoko ng malate dahil scholar lang naman ako dito. Kahit na alam ko sa sarili ko na na hindi ako babagsak sa mga subjects ko dahil sa taglay kong talino. Hindi parin dapat akong makapante lalo na't may pinagdadaanan rin akong problema.
Pinilig ko ang ulo ko ng maalala nanaman yun. Hindi ko na dapat iniintindi 'yun. Alam kong maaga palang dapat intindihin ko na 'iyon pero hindi ko kaya ng mag-isa. Masyadong nakakaistress 'yon. I need to focus on my studies not that fucking problem always bother me.
Sa ngayon, isasantabi ko muna 'yon. Kapag nagkaroon ako ng oras at lakas ng loob, ako na mismo ang pupunta sa sagot.
Pagkapasok ko sa room ay lahat ng kaklase ko ay nangiti sa akin maliban sa grupo nila Angelie. Nagtataka na talaga ako sa Clown girl na ito. Ngayon, dapat binubully o sinasamaan niya na ako ng tingin pero wala siyang ginawa imbis ay nagcecellphone lamang siya. Pero ang mga kaibigan niya ay tinarayan ako.
The hell I care bitches!
I'm on my mood now and I don't have time to have care those bitches, who's always insecure with me. Nagkakaganiyan sila dahil ako ang mahal at pinapansin ng matagal na nilang iniidolo? I know they like John. Wala na akong pake doon. It's not my fault if John is love me.
BINABASA MO ANG
Contract with Mr.Cassanova
Teen FictionJohn Kenneth Dela Fuente, the so-called "Mr.Cassanova" of Fuente's University. He believes that every girls is a toy, until he met this girl name, "Jennyvive Gail Cruz" so-called "Ms.Nobody". She's poor but a good heart. Kenneth made a contract that...