VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥
---
Jennyvive's POV
Nasa harap ng gate na kami ng University. At mula dito ay kitang-kita ang mga magagarang sasakyan na nakaparada.
Ibinaba ni Riri ang bintana ng kotse. Sumilip doon si Manong panot.
Kukunin na sana ni Riri ang I.D niya ng pigilan siya. "Hindi na kailangan, Ms. Delo Santos. Kilala po kita."
"Oh, thankyou."
Nginitian ko ang guard at kumaway-kaway rito. "Wow! Ang ganda natin ah!"
"Since birth pa noh!" Tumawa naman ito ng mahina at napailing.
"Ikaw talagang bata ka."
"Pasok na kayo, ma'am." Tumango naman si Riri at ipinasok na sa loob ang sasakyan.
Matapos ipark ay bumaba na kami sa kotse. Rinig mula sa labas ang tugtog na galing sa loob. Tiyak na marami na agad tao doon at late rin kami ng kunti.
Pagpasok namin sa loob ay halos mapatulala ako. Halata talagang sobrang ineffort-an ang ball na 'to.
Sa taas ay may isang malaking chandelier na pagpasok mo palang ay mapapansin mo na agad. Kumikinang pa ito, at ito ang pinakanagpapaganda ng event.
Dim rin ang ginamit na ilaw pero sapat na para makakita ang mga tao doon.
Pinaliligiran din ang lugar ng mga malalaki at maliliit na ball. Kumikinang rin ito.
May mga lamesa ring maliit na pabilog na nakatelang kulay pink, red at blue. Ngunit walang itong upuan.
Sa stage ay may malaking printed letters. 'Grand ball 2016-2017' ang nakalagay.
Nakita ko rin si Mrs.Pukishian na kasama ata ang kaniyang asawa ngayon. Sa totoo lang, maganda naman si Mrs.Pukishian, mataba lang talaga 'to. Ganoon din ang asawa niya. Kung titignan para silang dalawang balyena na nakagown. Hehe, charot.
Napatigil ako sa pagtingin sa paligid ng magsalita si Mimi.
"Pwesto na tayo Vivi."
Humanap kami ng bakanteng mesa at ng may makita ay mabilis na pumunta kami roon.
Kulay red ang table na nakita namin.
May naglilibot ring mga waiter na may mga hawak ng juice at tubig.
Isa lang ang rule sa ball ngayon, no drinking alcohol. Bawal rin magdala dahil kapag nalaman ito ng mga officers ay tiyak na mayayari ang nagdala.
Nang madaan ang waiter ay kumuha kami ng tatlong baso na may lamang juice.
Sumisim ako rito, feeling wine hehe.
Napatingin ako sa mga kapwa ko estudyante. Halatang-halata sa mga babae dito na pinaghandaan talaga nila ang susuoting gown base na rin sa mga nakikita ko.
Bumaling ako kay Riri. "Sure ka bang safe si Jericka doon?"
Tinarayan ako ni Riri. "Of course Riri! Nagtext sa akin sila Mommy kanina, nandoon na daw sila sa condo. Kasama si Jericka."
Tuwing may event kami sa school at pupunta kaming tatlo ay pinapabantay nila Riri at Mimi si Jericka sa Mommy nila. Nasabi ko naman na close kami sa pamilya nila Riri, kaya turing ko talaga kila Riri ay tunay na mga kapatid.
BINABASA MO ANG
Contract with Mr.Cassanova
Teen FictionJohn Kenneth Dela Fuente, the so-called "Mr.Cassanova" of Fuente's University. He believes that every girls is a toy, until he met this girl name, "Jennyvive Gail Cruz" so-called "Ms.Nobody". She's poor but a good heart. Kenneth made a contract that...