CWMC 65: Small world

2K 37 4
                                    

 

VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

--

 Jennyvive's POV

 Pagkadilat ng aking mga mata. Puting paligid ang bumukad sa akin. Jusko! nasa langit na ba ako?! hindi naman diba--

 "Whoo! Buti nagising ka na! Pinakaba mo ako ng sobra!" Napatingin ako sa lalaking nasa gilid, si Kenken? Imposible! umiling-iling ako. Ayun, Guni-guni lang nga. Si Jake lang pala--ANO?! SI JAKE?! 

 Gulat na gulat akong napatingin sa kaniya. "Jake?! Anong ginagawa mo dito?!" 

 Jake, ang kaklase kong nawala ng parang bula. Hindi lang pala siya basta kaklase, munting kaibigan ko pa siyang tinulungan akong pag-selosin si Kenken.After ng nangyari sa Cafeteria nun at pagkompronta sa akin ni Kenken, doon ko narealize ang lahat ng ginawa ni Jake. Na pinagseselos niya lang pala si Kenken para makapagtapat na siya sa akin ng nararamdaman niya. Gusto ko sana magpasalamat pero hindi na siya muling pumasok sa klase. Pero hindi na siguro kailangan kong magpasalamat dahil doon, lahat naman ng pinaghirapan niya ay napunta lang din sa lahat dahil pagpapanggap lang naman ang lahat... 

"Okay ka lang Jennyvive?"Tinignan ko siya. Mas pumogi ata siya? Nakawhite t-shirt lang siya at gulo-gulo ang buhok. May malaking eyebags siya na parang ilang araw siyang walang tulog. 

 "Ah Oo naman! Teka, Anong nangyari sayo? Para kang sabog! Ang laki ng eyebag mo!" 

 "Grabe ka naman sa sabog! Pogi parin naman ako ah! tsaka paanong hindi magkakaroon ng eyebags? eh ako ang nagbabantay kaya sayo! tsaka kahit pilitin kong matulog, hindi rin ako makatulog to think na alam kong nasa sitwasyon kang ganyan!" bakas na bakas sa boses at mukha niya ang pag-aalala.

 Bumilis ang tibok ng puso ko.."Paano niyo ba a-ako nadala dito?" 

 "Kami ni kuya ang nakakita sayo matapos kang masagasaan, mabuti nalang talaga at nandoon kami! Tinakbuhan ka ng nakasagasa sayo! magbabayad siya! Y-yung nakasagasa sayo!" napatingin ako sa kamay niya, nakayukom iyon. Yukom na yukom. Tumingin ako sa kaniya, bakas sa mukha niya ang matinding galit. Bakit kaya?

 Napatingin ako sa katawan ko, Nakasuot ako ng Hospital gown, may nakapaikot na benda sa tyan ko. Mayroon rin ako sa magkabilang braso. Ganoon kalala ang nangyari sa akin? "Ahh--Thankyou nga pala!" Nawala na ang galit niyang mukha, napalitan na iyon ng ngiti. Abnormal lang ah?

 "Walang anuman! Grabe ka! Pinag-alala mo ko, tatlong araw ka ring tulog!"Nanlaki ang mata ko. "Seryoso ka?! Tatlong araw akong tulog?!" tumango naman siya. Shit! How can I forgot that?! damn!Si Jericka! Ang kapatid ko! 

Akma akong tatayo ng makaramdam ako ng kirot sa tyan ko. Nakita ni Jake ang pangiwi ko, agad niya akong inalalayang bumalik sa kama. "Huwag ka munang tumayo, Jennyvive! Baka magdugo ang sugat mo!" 

 "Kailangan kong umalis! Y-yung kapatid ko! Kailangan niyang maopera--"

 "Huwag ka ng mag-alala, tapos ng operahan ang kapatid mo. Nasa isang room na siya ngayon.."

 Napatingin ako sa nagbukas ng pinto, nanlaki ang mata ko. Ilang beses na ba akong nagulat ngayong araw? Pero ito ang pinakamalala! Anong ginagawa ni bingot este ni Van dito? 

 "Oh Kuya! Nandyan ka na pala! Kanina pa kita hinihintay, gutom na gutom na ako!" Lumapit agad si Jake kay Van upang kunin ang supot nito. Pumunta siya sa maliit na lamesa na nasa gilid ko at kinuha ang laman ng supot, Hambuger at Fries. Agad niya itong nilantakan at tumingin sa akin. "Oh? bakit ganyan reaksyon mo Jennyvive? May nakakagulat ba sa paglantak ko ng pagkain? Sorry ah! Ganito talaga ako kumai--" 

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon