CWMC 67: Last pain

2.2K 35 2
                                    


VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

--

  Jennyvive's POV

Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko si Van na nakasandal sa gilid."Van, please. Wala ako sa mood sagutin ang mga tanong mo--"

 "So He's the father of your child?" napalunok ako ng wala sa oras. Kinabahan ako bigla sa boses ni Van, napakalalim nito. Umayos siya ng tayo at humarap sa akin. Namumula pa bahagya ang mukha niya at kuyom na kuyom ang dalawang palad niya. Mukhang galit ma galit siya pero bakit? 

 "Huh, ano bang sinasabi mo--"

 "Siya rin ang lalaking mahal mo na pinagpustahan at ginawa ka lang kabit?!" napaatras ako ng sigawan niya ako. Alam ko ng sobrang galit na galit siya ngayon. Tsaka teka.. 

 "P-paano mo nalaman--"

 "Damn! Nandoon kami nun Jennyvive! Nung sinabi mo lahat kay Mom! Nandoon kami nakikinig! So he's that fucking asshole?!" nanlaki ang mata ko. Nandoon sila? kaya pala sa mga nagdaang araw, sobra nila ako kung pasiyahin at hindi nila ako masyadong pinagpapagod kasi alam na nila?

 "Van--"

 "Damn!" napatili ako ng sunod-sunod niyang pinagsusuntok ang pader. Sobrang lakas nito kaya rinig na rinig ang kalabog. Dahil sa tili ko ay napalabas si Mom sa kwarto, dumating din si Jake at napalabas ng kwarto si Jericka. Nagulat siya ng makita ang ginagawa ni Van, napaiyak siya/. Buti nalang dumating si Manang Sisa at niyakap si Jericka. Damn! ano ba kasing nangyayari sa kaniya?!

 "Van! Anong nangyayari? Van! Itigil mo yan! Jake! Patigilin mo kapatid mo!" sigaw ni Mom. 

Pinuntahan naman agad ni Jake si Van, napatigil niya ito sa pagsuntok sa pader ngunit napasigaw kaming lahat ng itulak niya ito ng ubod ng lakas. "Arghh!" napahiyaw sa sakit si Jake ng humampas ang likod niya sa pader. 

Dinaluhan siya agad ni Mom. "Van! Calm your self!" sigaw ni Mom. 

Dumating na rin ang ibang bodyguards. Hinawakan nila si Van dahil muli nitong pinagsusuntok ang pader. "Damn! Pakawalan niyo ko!!" sigaw niya.

 Halos sampu ng bodyguard ang umawat sa kaniya dahil sa sobra niyang lakas.Napaiyak ako ng makitang maraming dugo ang umaagas sa kamao ni Van. Pulang-pula rin ang mukha niya. Marahas niyang tinulak ang mga bodyguard na nasa paligid niya, may nagtangka pang awatin siyang muli ngunit sinuntok niya lang ito. 

 Tumingin siya sa akin ng nanlilisik ang mata. Mabilis siyang pumunta sa akin at hinila ako pababa ng hagdan."Van! ano ba! bitawan mo ko!" ilang beses pa akong nagtangkang kumawala sa pagkakahila niya ngunit hindi rin ako nakawala dahil ang higpit ng hawak niya at parang wala siyang naririnig. Paglabas namin ng bahay ay patuloy parin niya akong kinakaladkad hanggang sa huminto kami sa kotse. 

"Sakay."

 "Van! Ano bang nangyayari--" 

 "Sabing sakay!!" wala rin akong nagawa kundi pumasok sa loob ng kotse, mabilis siyang sumunod at pumasok rin. Agad niyang pinaandar ang kotse, pagdaan namin sa harap ng bahay, nandoon sila Mom, Jake na halata sa mukha na nasaktan talaga siya sa ginawang pagtulak ni Van kanina at si Jericka na humahagulgol, hawak-hawak ito ni Manang Sisa.

 "Van! ihinto mo yan! calm your self!" sigaw ni Mom. Parang walang narinig si Van dahil patuloy parin siya sa pagpapaandar.

 "Guards! Stop him! Omyghad!" sigaw muli ni Mom.

 Humarang naman agad ang mga guards sa dadaanan namin ni Van palabas ngunit agad din silang tumalon paalis dahil mukhang walang balak ihinto ni Van ang kotse. Tuluyan na kaming nakalabas.  

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon