CWMC 55

2K 42 2
                                    

We are so near! hahaha.

VOTE♥COMMENT♥SHARE THIS STORY!♥

---

Jennyvive's POV

"Ate! Ate! Gising!!"

"N-naantok pa a-ako Jericka!"

Peste! Utang na loob! Wala pa kong tulog.

Madaling araw na akong nakauwi, mga 3 siguro. Buti nalang talaga at tulog na si Chang, at hindi ni-lock ni Jericka ang pinto bago siya matulog kundi yari talaga ako nito.

Paano kasi, si Kenken ayaw agad ako pauwiin. Babawi daw siya sa akin, bumawi nga talaga.

Hinila na niya ako palabas ng event. Kaya pinagsisitinginan tuloy kami ng mga estudyante doon. Ngunit walang nagsalita, nakatingin lamang sila sa amin hanggang sa makalabas kami.

At ayun, dinala ako ni Kenken sa isang Chinese Restaurant base na rin sa theme nito. Doon kami kumain.


"Order all you want, baby." Napaangat ako ng tingin sa kaniya.

"Are you sure? Wag na!" Pumawag ka na pleaseee! Syempre kailangan munang magpakipot, para hindi talaga halata. Hahaha!

"No. Ito ang pangbawi ko dahil pinaghintay kita ng matagal." Nakangiti niyang sabi.

Yes! "Ah, okay. Sabi mo eh."

Inorder ko lahat ng gusto ko. Syempre, grasya na yun noh! Tatanggi pa ba ako?

Matapos naming kumain ay dinala niya pa ako sa tuktok burol na kung saan doon mo makikita ang kalahatan ng maynila. Napakaganda tignan dahil puro ilaw lang ng building, bahay at mga kotse ang nakikita.


"Ate!! Gising na!"

Wala na akong nagawa kundi tumayo nalang.

"Ano bang problema?! Antok na antok pa ko Jericka!!"

Nilagay naman ni Jericka ang kaniyang hintuturo sa labi ko.

"Shh ka nga lang ate! Ang ingay mo, nakakarindi!"

Tinampal ko ang daliri niya. "Ano ba kasing problema?" Mahina kong tanong.

Huminga ng malalim si Jericka. "Yung lalaki! Yung nakita ko dating lalaki na kasama ni Chang! Nandito ngayon!"

"What?!" Hindi ko pa nakikita ang sinasabing lalaki na 'yon.

"Nasa sala sila ngayon ate! Palabas na ako ng marinig ko silang naguusap, kaya nga pumunta ako dito, para tawagin ka!"

"Saglit lang, hilamos lang ako tsaka toothbrush!"

Hinala ako bigla ni Jericka sa braso. "Huwag na ate! Halika naaaaa!"

"Peste kaaa! Oo na! Oo na!"

Binuksan na namin ang pinto. "Dahan-dahan ka lang Jericka! Kilala mo 'yang si chang! Dinaig pa ang duwende sa haba ng tenga!"

"Oo ate!"


Dahan-dahan lang kami naglakad papunta sa may pader na malapit sa kinaroroonan ni Chang.

Ako ang nasa unahan, sa likod naman si Jericka.

Sumilip ako rito ng kaunti. Tama nga si Jericka, may kausap nga si Chang na lalaki.

Sa tingin ko, Mid 40's na ang lalaki ngunit bakas dito ang kalakasan at katapangan.

Katulad ng kwento ni Jericka sa akin noon. Mayroong baril ang lalaki. Nakalapag 'yon sa lamesa.

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon