CWMC 32: Being Cold begin

2.9K 82 2
                                    

Ginagahanan ako mag-update! :)

VOTE❤COMMENT❤SHARE THIS STORY!❤

----


Jennyvive's POV


Isang linggo na ang nakalipas ng magkita kami ni Mr.Jhony pero sa akin ay pala-isipan parin kung bakit sila pamilyar sa akin.

Nakaraang mga araw ay lagi ako binabangungot, hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang napapaginipan ang mga katulad na ganoon. Basta ang napapaginipan ko ay Umiiyak na bata at nakakatakot na tawanan.

Kaya sa tuwing nanaginip ako ng masama ay to the rescue naman ang leche kong kapatid! Buhusan ba naman ako sa mukha ng malamig na tubig! Edi ayun gising talaga ako!

Papasok na ako ngayon kahit na pagod na pagod ako mula pa kagabi dahil sa mga nag-daang araw ay pinapahirapan na kami Chang. Minsan pa nga ay pinapalo niya ako ng hanger, walis at kung anong mahawakan niya ay talagang papalyin niya ako. Kapag nakakagawa ako ng kunting mali, hindi nalang ako lumalaban dahil wala naman kaming ibang mapupuntahan at yung pera na binibigay ni Kenken ay kaunti narin kaya todo tipid ako pero hindi ko alam kung bakit tuwing biyernes ay bumibigat ang lalagyanan ng pera ko.

Pagkapasok ko sa room ay napakaingay. Well, ano bang bago? Ganito naman palagi.

Sanay na rin ako na palaging pinupukol ng masamang tingin nila Angelie pati ang mga nabingwit niyang kaibigan dito. Hindi na ako nagpapakita na naapektuhan ako sa kanila, Give Mimi and Riri around of applause from taught me how to do this.

Umupo ako sa pinakadulo kung saan malayo sa lahat lalo na sa kaniya. Bakit pa ako uupo sa dati kong upuan? Eh kung nakaupo na doon ang MALANDING babae na yun!

Hindi ko mapigilan ang hindi mapatingin sa upuan ko dati na katabi si John, at nakita ko siya na nakatitig sa akin pero bumaba ang tingin ko sa mga brasong nakakawit sa kaniya. Kumirot bigla ang puso ko na sa isipan na dati ako lang gumagawa sa kaniya niyan noon pero ngayon hindi na dahil may iba na. Pero pinigilan kong magpakita ng Emosyon tumingin ulit ako sa kaniya na matamang nakatingin sa akin. Pinukol ko lang siya ng isang malamig na tingin at umiwas na ng titig.

Pumasok na si Balyena, remember my Teacher? Yung matabang teacher pero mas mataba parin si Chang.

Magkasalubong ang kilay na humarap sa klase at halatang badtrip. Eh, ano pa bang bago? Lagi naman beastmode yan pagdating sa klase namin. Mababait naman kaming lahat except sa mga MALALANDI. "Goodmorning Class"

Walang sumagot. Oh! Diba ang babait namin? HAHA. Ganiyan talaga sila pati rin ako siyempre. Naturingan pa namang highest section kami tas ganito kami. Pero wala eh, ganito talaga kami.

"Get 1 half sheet of paper and we have a quiz" masungit na sabi nito. Bigla namang nag-ingay ang mga kaklase ko ang daming mga umangal.

"Goodmorning too. Ms.Pukishian" agad na sabi ng mga kaklase ako, tinatamad ako bumati.

Ang weird ng apelyido niya 'no? Ms.Pukishian daw HAHAHA. hayuf parang ano. Alam niyo na! Hahaha.

"MS.CRUZ!!" Bored akong tumingin sa teacher kong halos mamula na sa galit.

"Bakit po?" Tanong ko sabay hikab. Lahat ng mata ay nakatingin na sa akin, naiirita ako ayoko pa naman lahat ng atensyon nasa akin. Kung kay Angelie pwede pa, pasikat yun eh.

"BAKIT KA TUMATAWA?! MAY NAKAKATAWA BA?!" Galit na sigaw nito. Shit! Yung tenga ko! Baka tuluyan na akong mabingi nito.

"Meron, yung apelyido mo" bigla namang naghiyawan ang mga kaklase ko at nagsitawanan. Gusto ko ng humagalpak ng tawa pero pinigilan ko lang dahil nakatingin sa akin si John.

Contract with Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon